Kumunsulta agad sa doktor kung may signs ng cancer
April 29, 2001 | 12:00am
Nagkaroon ako ng pagkakataong makipag-discussions sa mga eksperto sa cancer sa United States kamakailan. At sa aming discussions, lahat kami ay sumang-ayon na may mga cancer na maaaring maiwasan kung ito ay made-detect nang maaga, mada-diagnosed ng tama at agarang magagamot. Ang mga pamamaraan ng paggamot sa cancer ay sa pamamagitan ng operasyon, radiation, chemotherapy, hormones at immunotheraphy. Ang mga ito ay may kanya-kanyang pamamaraan at contraindications kaya nararapat na ang mga doktor na mangangalaga sa cancer patients ay dapat pumili sa mga pamamaraang nabanggit ng maingat at matalino. We must bear in mind that the different ways of treating cancer can be used separately, together or one after the other.
Ang mga bukol sa suso ng isang babaing teenager ay karaniwang hindi cancerous. Ang pag-aalis o ang pag-opera sa bukol ay dapat munang pag-aralang mabuti bago isagawa kung nararapat ba o kailangan. Nararapat namang ipaeksamin ng regular ng mga babaing nasa 25 anyos pataas ang kanilang mga suso pagkatapos ng kanilang menstrual period. Ang kakatwang masasalat sa suso ay nararapat na ipaalam agad sa doktor.
Ang pap smear ay isa rin sa mahalagang bagay na dapat gawin ng mga kababaihang may edad na 35 pataas. Ang mga babaing nagtatrabaho bilang prostitutes o hostesses o iyong may mga chronic cervical infection o inflammation ay kailangang magpa-pap smear nang madalas ayon sa advise ng kanilang Obstetrician-Gynecologist.
Sa mga kalalakihan namang nasa 60 anyos pataas, ang prostate cancer ay dapat bigyang pansin. Ang prostate cancer ay maaaring ma-detect nang maaga at malaki ang posibilidad na ito ay maaagapan.
Para sa kaalaman ng lahat marami na ngayong laboratory tests na isinasagawa upang madaling malaman ang cancer. Kabilang sa mga ito ang CA 125 (ovarian cancer); CA 15-3 (breast cancer); CA19-9 (pancreatic cancer); PSA (prostate cancer) at ang CEA (colon cancer).
Ganoon man mahalaga pa rin ang clinical expertise ng cancer doctor at dapat itong bigyang importansiya. Kapag may nakitang palatandaan o sintomas ng cancer ikunsulta agad ito sa doktor upang magamot habang hindi pa malala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am