Awit pambotante
April 27, 2001 | 12:00am
Good news sa voter educators. Lumabas na ang unang tatlong kantang magagamit nyo sa inyong paghimok ng matinong pagboto. Ang gagaling ng pag-awit, ng musika at ng titik. Tiyak, pupukaw ng damdamin ng mga botante para suriin at piliing mabuti ang mga kandidato.
Si Grace Nono ang lumikha at umawit ng Eleksiyon Na Naman, katulong ang asawang Bob Aves, Rock na rock. Mapapa-indak kayo.
Aegis Band naman ang bumanat ng Hindi Mo Ako Mabibili. Likha ni multi-awarded composer Trina Belamide, presidente ng Katha na samahan ng composers.
Paborito ko ang Kaduda-Duda Ka ni Renz Verano. Musika ni Roy del Valle at titik ni Belamide. Tumatagos sa puso ang taghoy. Patama sa mga kandidatong nangangako ng kung anu-ano, maiboto lang.
Pinapatugtog na ang mga piyesa sa radyo. Available rin ang CDs at tapes sa Namfrel office. Puwedeng kopyahin at ikalat, sabi ng nag-produce na Pagbabago@Pilipinas.
Siyam na awit pa ang ire-record ni Belamide, katuwang ang sikat at batikang artists: Owe You Nothin ni Radha, Count on Me ni Jaya, Sa Diyos lang Sasagot ng Razorback, Walang Takip, Walang Tinatago ni Mystica, Magbabago Ako ng The Company, "Idol (baka si Rufa Mae o Da Pulis ang babanat), Walk With God ng South Border, at tig-isang original music nina Jolina Magdangal at Apo Hiking Society.
Ngayon lang magkakaroon ng plaka ng mga awit pambotante at pang-moralidad sa kasaysayan ng musikang Pilipino. Dala ito ng EDSA-Dos. Dati-rati, mga paret madre lang ang sumasali sa voter education campaigns. Ngayon, pati mga manunulat, manlilikha at artista. Kasi, natauhan na sila tayo. Hindi na puwedeng kung sinu-sino lang ang iluluklok sa puwesto, maski lasenggo, babaero, sugarol, magnanakaw o mamamatay-tao. Kailangan, yung malinis at mahusay lang, para wala nang EDSA-Tres.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am