Ayon sa aking bubuwit, 24 days na lang at eleksiyon na.
Happy birthday muna kay Nora Beltran ng DZRH Drama Department at kay Manny Gavion ng Pasay City.
Binabati ko sina Brod. Jun Mendez ng OCW; Mayor Romy Garcia ng Sta. Teresita, Cagayan; Atty. Bing Padilla ng Baggao, Cagayan; Vice Mayor Jimmy Bautista ng Nasugbu, Batangas; Atty. Mario Panganiban ng Lipa City; Atty. Luchie Cruz Dacuan ng San Miguel, Bulacan; Gen. Eli Yorro ng La Union at ang Super Flerry Marcelo ng Malabon.
Hindi pala purely political ang dahilan. Meron ding human touch ika nga. Ewan ko lang kung meron pang romantic link...
Ayon sa aking bubuwit, kaya naman pala lumambot ang puso at damdamin ng mga rebolusyunaryong Komunista ay dahil sa naturang biyenan ni Major Buan.
Kung ilang beses na nabalam ang paglaya ni Maj. Buan sa kamay ng mga tauhan ng NPA Melito Glor Command sa Timog Katagalugan subalit natuloy din ang paglaya nito. Siyempre, dahil sa pagpasok ng GMA administration sa peace talks, yan ang pangunahing dahilan.
At ang isa pang dahilan ay ang mga nakaraan ng biyenan ni Major Buan at ng isang CPP leader.
Makinig kang mabuti Ka Roger Rosal at baka hindi mo pa ito alam. Totoo ito at hindi tsismis.
Kung hanggang saan yung kanilang pagiging magkaibigan ay ayoko nang pakialaman. Baka magalit pa sa akin si Mrs. Cielo Buan. Nanay niya yata yun. Baka naman MU o friends lang, di ba?
Ayon sa aking bubuwit, ang CPP-NPA-NDF leader na naging kaibigan ng biyenan ni Major Buan noong estudyante pa sila sa U.P. ay walang iba kundi si Prof. Jose Maria Sison.