^

PSN Opinyon

May Katuwiran

-
Dahil ang diborsiyo ay hindi umiiral dito sa ating bansa, ang isa sa paraan upang mapawalang bisa ang kasal ay ang pagkamatay ng kahit sino sa mag-asawa. Kung ang asawang lalaki ang namatay, ang babae ay hindi puwedeng magpakasal sa loob ng 301 araw (Art. 351, bagong Kodigo Penal) dahil walang lisensiya ng kasal na maaaring ilabas sa loob ng panahong ito upang maiwasan ang pagkalito kung sino ang ama ng batang maaaring isilang niya. Kung ang babae ay nanganak na sa loob ng 300 araw, maaari na siyang magpakasal dahil alam na kung sino ang ama ng bata.

Ang nangyari kay Myla ay may hawig dito. Noong Hunyo 14, 1975 siya ay nagpakasal kay Ron. Sa loob ng limang taon ay hindi sila nagkaanak ni Myla. Nang magpa-eksamin sila sa doktor ay nalamang baog si Ron. Sa kabila ng kagustuhan ni Myla na magkaanak, tinanggap na lamang niya ang kanyang kapalaran.

Pagkaraan ng tatlong taon, namatay si Ron. Matapos ang pagkamatay ni Ron, nakilala ni Myla si Allan. Sa kagustuhan pa ring magkaanak, nagpakasal siya kay Allan, 90 araw lang ang nakalilipas mula nang mamatay si Ron. Dahil dito, si Myla ay sinampahan ng kaso sa ilalim ng Art. 351 ng bagong Kodigo Penal na nagpapataw ng pagkabilanggo kung ang biyuda ay nagpakasal sa loob ng 301 araw mula sa araw ng kamatayan ng unang asawa. May kasalanan ba si Myla?

Wala.
Ang ipinahayag na layunin ng pagbabawal nang sang-ayon sa batas ay upang hindi magkalituhan sa kung sino ang ama ng magiging anak ni Myla. Dahil sa ang namatay niyang asawa ay napatunayang baog o walang kakayahang magkaanak, ang layunin at katwiran ng batas ay hindi makabuluhan at walang batayan. Maaaring pagbasehan ni Myla ang desisyon ng Court of Appeals sa kasong People vs. Masinsin, G.R. 9157-R, Hunyo 4, 1953.
* * *
Huwag po ninyong kalimutang iboto ang AIM (Ang Ipaglaban Mo) Party para sa Party List Representative sa darating na eleksiyon. Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa tel. nos. 724-9445; 725-2930 o 721-2305.

ANG IPAGLABAN MO

COURT OF APPEALS

DAHIL

HUNYO

HUWAG

KODIGO PENAL

MYLA

NOONG HUNYO

PARTY LIST REPRESENTATIVE

RON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with