Serbisyo sa bayan at hindi 'papogian' sa QC
April 20, 2001 | 12:00am
Hindi ako taga-Quezon City ngunit hindi ko mabilang sa daliri ang mga kamag-anak ko at kaibigan na nakasama sa Taiwan na lehitimong residente sa naturang lungsod.
Apat sa naging kasama ko sa Taiwan na residente ng Tandang Sora at Novaliches (District 2), na kahit na raw hindi mangampanya si Speaker Sonny Belmonte sa apat na Distrito na may 141 barangay ay siguradong panalo na sa puwestong mayor dahil sa sobrang karanasan bilang public servant.
Ayon sa kanila, naging idolo ng nakararaming residente ng Quezon City si Speaker Belmonte noong kasagsagan ng impeachment trial ni dating President Joseph Estrada dahil sa katapangang ipinakita nito kahit na buhay niya ang nakataya.
Karamihan sa 1,082, 456 na botante ng Quezon City ay pawang mga kabataan na nakasama na ni Speaker Belmonte sa EDSA Dos noong Enero 19, 2001.
Sa mga residente ng Quezon City partikular na ang mga kabataang botante, pag-isipan ninyo na hindi beauty contest at papogian ang labanan sa pagka-mayor kundi labanan ito ng karanasan sa serbisyong bayan.
Sa mga residente ng Kyusi na pawang mga fan ng kabilang panig, siguruhin ninyong hanggang idolo na lang sa pelikula ang paghanga dahil mananatili kayo sa kahirapan kapag pinagpilitan ninyo ang nasa isipan ninyo sa May 14 elections.
Kung pag-uusapan ang kayamanan ay sobra na sa yaman ang angkan at si Speaker Belmonte kaya hindi na nito makukuhang maging corrupt at nag-intirisan ang kaban ng bayan ng Quezon City.
Kaya siguradong maasikaso nito ang pangnangailangan ng may 1,082,456 resistradong botante sa apat na distrito sa Quezon City.
Isa sa pagtutuunan ng atensiyon ni Speaker Belmonte ay ang mga residenteng mahihirap na walang lupa na mapagtatayuan ng pabahay partikular sa barangay Culiat at kabilang na ang edukasyon ng mga batang lalaki at babae na magiging lehitimong botante sa darating na panahon.
Papaano mabibigyan ng serbisyong bayan ng isang tao na walang karanasan sa paghawak ang apat na distrito na binubuo ng District 2 na may 30 brgy. ang may pinakamalaking bilang na rehistradong botante na umaabot sa 492, 459; sinundan naman ito ng District 1 na may 37 brgy. at 219, 002 botante; Ang District 4 naman ay may 38 brgy. at 213, 979 botante at ang District 3 ang siyang may pinakamaliit na bilang ng botante na umaabot lamang sa 157, 016 na may 36 brgy.
Hanggang maaga pa , mag-isip-isip ka mister pogie kung kaya mong paglingkuran ng walang karanasan ang may 1, 082, 456 residente at 141 brgy. ng Quezon City. Hindi nakukuha sa papogie ang magserbisyo sa bayan.
Mga kabayan ko sa Quezon City partikular na ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lalo na ang tagatangkilik ng OK KA BATA! na huwag ninyong kalilimutan kapag serbisyong bayan ang hanap si Speaker Sonny Belmonte ang isaisip sa May 14 elections.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest