^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ba't SSS members ang pahihirapan?

-
Ang mga ninakawan ang siya pang pahihirapan! Mahirap maunawaan kung bakit ang pagtataas ng monthly dues ng mga members ang naisip na paraan ng Arroyo administration upang mabawi ang pagkalugi ng Social Security System (SSS). Iluluto sa sariling mantika ang mga SSS members upang ang ginawang pandarambong ni Estrada ay mapunan.

Sinabi kamakalawa ni Finance Secretary Alberto Romulo na ang pagdaragdag sa monthly dues ng 23 million members ng SSS ang tanging paraan upang maibalik ang nawalang pera rito. Masyado aniyang natupok ang resources ng SSS sa nakaraang administrasyon. Sa kasalukuyan, 8.4 percent ang kinakaltas sa suweldo ng mga empleado.

Sinabi ni SSS Chairman at President Vitaliano Nañagas II kay President Gloria Macapagal-Arroyo na nalugi ng P8 bilyon ang SSS noong nakaraang taon dahil sa bad investments. Ginamit umano ni Estrada ang pension funds ng SSS para bilhin ang share ng Belle Corp., ang developer ng Tagaytay Highlands. Umano’y kumita si Estrada ng kickbacks na umaabot sa halagang P189 million. Hindi lamang umano SSS ang ginamit ni Estrada kundi pati na rin ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS).

Talaga bang ang mga kawawa at maliliit na miyembro ang tanging paraan upang ang mga "kinawat" na pera ay maibalik at maging normal ang takbo ng SSS. Ano ba talaga ang totoo sa pinasukang anomalya ng SSS at hindi maipaliwanag na mabuti sa mga miyembro. Bakit karaka-raka ay ang mga kawawang miyembro ang pipigain dahil lamang sa mga maling desisyon at pagsunud-sunuran ng dating SSS Chairman na si Carlos Arellano kay Estrada na magamit ang pera ng mga miyembro. Bakit hindi ang mga matataas na opisyal na ito ang pigain at pagbayarin sa mga kasalanang nagawa. Bakit ang mga kawawang miyembro na nahihirapang makakuha ng karampot na calamity loan, salary loan, housing loan at iba pa ang pipigain ngayon? Hindi tama ang balak na ito ng pamahalaan.

Tama lamang ang mga sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr, na kailangang malaman ng mga miyembro ang pinaggamitan ng pera ng SSS. Sinabi ni Belmonte na mahigpit niyang tinututulan ang pagtataas ng membership dues.

Kung itutuloy ang balak na pagtataas ng dues, kawawa naman ang mga miyembro sapagkat mababawasan pa ang karampot na perang iniuuwi sa pamilya. Saan pa sila kakamot ng karagdagang pera? Dapat makita at maunawaan ng Arroyo administration ang kalagayang ito ng mga miyembro.

BAKIT

BELLE CORP

CARLOS ARELLANO

FINANCE SECRETARY ALBERTO ROMULO

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR

MIYEMBRO

SINABI

SSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with