^

PSN Opinyon

Mga kalaswaan sa radyo

-
Pinuna ko na noon ang mga malalaswang kanta sa kasalukuyan. Bagama’t marami ang sumang-ayon sa aking pagpuna, wala ring aksyon ang mga kinauukulan kaya patuloy pa rin ang pagre-recording ng mga awiting may ‘‘double meaning.’’

Kamakailan isa na namang hindi magandang gawain ang aking natuklasan. Habang ako’y nag-aalmusal narinig ko ang radio program ng isang kilalang network na sobrang malaswa ang pinagsasabi ng mga lalaking announcers. May tinatawag silang ‘‘Mael’’ na animo’y isang paslit pero sa salitang kanto at bastos sa pandinig ang sinasabi at kinakanta. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig at nasabi ko sa aking sarili na sobra naman silang presko at abusado at hindi nila inalintana na may mga babae, matatanda at mga kabataan na nakaririnig sa kanila.

Ang ‘‘Mael’’ na iyon ay may tinatawag na Tito Raul at ang Tito ay ginagawa niyang double TT at habang nagpapaalam ay hindi ‘‘babye’’ kundi ‘‘baba,e,e,e’’ ang sinasabi niya na sinasabayan ng hagikgik na malaswa.

Ang sumunod na set ng broadcasters naman ay may kasamang isang announcer na Bisaya na kapag nagagalit ay magugulat ang mga radio listener sa animo’y nagmumura niyang sigaw na ang tunog ay ‘‘pu…ina mo’’. Sa kabilang station naman ay may announcer na nagboboses ng maraming kilalang personahe. Isa sa kuhang-kuha niyang gayahing boses at pananalita ang isang mayor ng Laguna na ngayon ay nakabilanggo sa Muntinlupa. Marami rin siyang kabastusan sa ere pero agad naman niyang binabawi sa pamamagitan ng mga positibong pananaw ng mga kasanib ng kanyang gabinete.

Kaugnay nito ay nagbalik sa aking alaala ang mga sinabi ng yumaong si Mr. Francisco ‘‘Kaka’’ Trinidad, ang father ng Philippine Radio, tungkol sa responsible broadcasting. Ayon kay Mr. Trinidad, sakrilehiyo ang paglaruan ang ‘‘ere’’ at magsalita ng masama. Responsibilidad ng isang lehitimong broadcast practitioner na maging makatotohanan, magalang, may kredibilidad at alam ang moral values at isiping ang ‘‘ere’’ ay libre kaya kahit sino ay puwedeng makinig sa radyo.

Tinatawagan ko ang mga radio station managers na bantayan, pagsabihan at parusahan ang mga bastos na announcers ng kanilang himpilan. Hindi sila mabuting halimbawa lalo na sa mga kabataan. Isipin nila na layuninng broadcasting ay information, education, entertainment and public service. Maging responsable naman kayo. Puwede ba?

AYON

BAGAMA

BISAYA

HABANG

MAEL

MR. FRANCISCO

MR. TRINIDAD

PHILIPPINE RADIO

TITO RAUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with