^

PSN Opinyon

Ang ipaglaban Mo (AIM) Party

-
Sa Party list system ay pinipili ang mga kinatawan sa Kongreso sa pamamagitan ng pagboto sa Partido at hindi na sa taong kandidato. Ang partidong hinahalal ay ’yun lang na-accredited ng COMELEC tulad ng AIM. Upang magkaroon ng isang puwesto, bilang kinatawan sa Kongreso kinakailangang makatamo ang Partido ng dalawang porsiyento ng kabuuang boto para sa party list system; apat na porsyento para sa dalawang puwesto at anim na porsyento para sa tatlong puwesto.

Kapag nahalal, sisikapin ng AIM na: (1) Itaguyod ang mahigpit na pagtalima sa katotohanan, tapat na pagtupad sa tungkulin at mabuting pagganap sa tiwalang ipinagkaloob ng ibang tao, patuloy na pag-aaral, pagsasaliksik, pag-alam at pagsiyasat sa takbo, pag-unlad, bagong tuklas at opisyal na pahayag ukol sa kanilang propesyon, negosyo o hanapbuhay; (2) Buhayin sa bawat tahanan ang mga karaniwang pagpapahalaga tulad ng pagmamahal sa Diyos at bansa, paggalang sa nakatatanda, katapatan, pagkamasino, pagsisikap sa trabaho at pagkakaroon ng delicadesa; (3) Mapagsibol ang higit na paggalang sa alituntunin ng batas at kaayusan; (4) Maipagtanggol ang mga kalayaan at karapatan na dinadambana ng ating Saligang Batas; (5) Tumulong sa pangangasiwa at pagbibigay ng katarungan lalo na sa mga mahihirap sa pamamagitan ng masigasig na kampanya sa pahayagan at himpapawid para sa kaalaman at karunungan sa batas at kumpletong programa sa pagbibigay ng free legal aid services; at (6) Magtaguyod ng isang pulitikang nakasandig sa prinsipyo hindi personalidad sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga botante na bumoto ng mga kandidato base sa kanilang galing, integridad, kakayahan at kahanga-hangang nagawa at hindi dahil sa kanilang popularidad lamang.

Susuportahan ng AIM ang lahat ng panukalang magsusulong sa mga nasabing plataporma at sasalungatin ang mga labag dito. Maghuhulma at magmumungkahi, pagkatapos ng masusing pag-aaral at deliberasyon ang AIM ng mga sumusunod: (1) Panukalang magsasaayos at magpapabuti sa school curriculum na magbibigay-diin sa mga aralin ukol sa etika o kabutihang-asal, at araling panlipunan; (2) Panukalang magbibigay tatag sa ugnayang kasal at pamilya; (3) Panukalang nagsususog sa batas ukol sa Professional Regulations Commission at iba pang mga professional licensing boards; (4) Panukalang mag-aamyenda at magsasaayos sa batas ukol sa recall na sasakop sa lahat ng lokal na opisyales, inihalal o hinirang; (5) Panukalang mag-aamyenda sa batas ukol sa people’s initiative sa pag-amyenda ng Saligang Batas; at (6) Panukalang lubos na magpapabuti sa batas ukol sa Ombudsman, partikular sa mga kuwalipikasyon nito. Mangangasiwa rin ang AIM ng mga pag-aaral sa posibleng pagsusog ng Konstitusyon, partikular sa impeachment at form of government.

Matutulungan ninyo ang AIM hindi lamang sa pagboto rito sa darating na eleksyon. Ikampanya n’yo rin ito sa inyong mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, kakilala at kung maaari sa lahat. Isulat sa balota sa espasyong para sa party list ang pangalan Ipaglaban Mo, Ang Ipaglaban Mo o AIM.

Sa iba pang katanungan at sa mga nagnanais na sumali sa partidong AIM, tawagan lang kami sa mga numerong 724-9445; 725-2930 o 721-2305. Nasa Suite 403 Sunrise Condominium, Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan, Metro Manila ang aming headquarters.

AIM

ANG IPAGLABAN MO

BATAS

IPAGLABAN MO

KONGRESO

METRO MANILA

NASA SUITE

PANUKALANG

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with