ORA MISMO - Sonny Belmonte, pangarap ng taga-QC !

Tatlo lang ang pangarap ng mga taga-Quezon City para pumili ng bagong "ama" ng lungsod sa Mayo14.

Una, kailangan ng mahihirap ang tulong ng isang "ama" kaya kapirasong lupa puwedeng tirikan ng kanilang sariling bahay ang sagot sa kanilang problemang matagal na nilang pinangarap. Ikalawa, pagpapahusay ng kabuhayan, ibig sabihin, dagdag jobs para sa mga taga-QC at ikatlo, karagdagan pang serbisyo para sa mamamayan dito.

Ang peace and order situation ay hindi balakid sa taga-QC porke hindi ito problema para sa kanila. Serbisyong Bayan! ’ika nga. Ang hinihintay ng taga-QC!

Gusto ni Sonny Belmonte na bigyang-prayoridad ang edukasyon at kalusugan para sa mga kapus-palad na taga-QC.

Sa Serbisyong Bayan ni Sonny programa nitong maglaan ng pabahay at imprastraktura sa nasabing lugar. Hindi lamang sa maliliit kundi maging sa may mga perang taga-QC ay nakakasa rin si Belmonte.

Maluwag sa puso ni QC Mayor Mel Mathay na ngayon ay tumatakbong Congressman sa 4th District ng QC na ipamana ang lungsod na iiwan nito kay Belmonte kasi kapang-kapa ng una ang husay sa karanasan, maka-Diyos at makataong dating ng huli sa kanyang mga constituents.

"Sa palagay ko mga 99.9 percent si Sonny ang magiging bagong QC-Mayor," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mukhang magdidilang-anghel ka!" natutuwang sagot ng kuwagong Kotong Cop.

"Paano mo naman nasiguro iyan?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Hindi kurap! Tapat sa tungkulin, maka-Diyos, maka-bayan at makatao puwera pa ang ipinakitang serbisyo nito sa taga-4th District ng QC ay walang kaparis!" sagot ng kuwagong tiktik kalawang.

"Eh, ano ang problema mo?"

"Iboto ang totoong taong walang bahid."

"Sino?"

"Ang hina mong sumalat, Badoy."

"Eh, sino nga?"

"Eh di si SB!"

"Sinong SB?"

"Si Sonny Belmonte 4 QC Mayor!"

"Correct ka d’yan!"

"Porke ang puso ng taga-QC ay kay Sonny Belmonte."

Show comments