EDITORYAL - Pagkabuhay ng pag-asa
April 15, 2001 | 12:00am
Noong Huwebes at Biyernes Santo ay makulimlim ang langit. May kalat ng pag-ambon. Para bang nakikiisa ang panahon sa paghihirap at kamatayan ni Jesus. Kahapon lamang lubusang nagpakita ang araw. Nagpahiwatig ng pag-asa nang muling pagkabuhay. Hindi nawawala ang araw kundi nagtatago lamang.
Katulad ng mga mahihirap na naninirahan sa waiting shed, ilalim ng flyover, tulay at mga gilid ng estero, maraming Biyernes Santo na rin ang dumaan sa kanilang buhay subalit patuloy pa rin silang umaasa. Sila iyong mga mahihirap na umasa ng tulong sa nakaraang administrasyon na ang isinigaw ng pangalan ay "para sa mahirap". Pinangakuan ang mga mahihirap at nang maluklok nay kinalong ang mga kamag-anak at kaibigan. Ilang mansiyon ang iniregalo sa kabit at ang bahay bakasyunan ay hindi mabilang. Habang sumisisid siya sa sarap ng mamahaling alak ay may mga bituka namang nagrerebolusyon sa Payatas.
May pag-asa pa rin sa kabila ng kirot. Katulad ng mga anak ng PR man na si Salvador "Bubby" Dacer at Manuel Corbito. Natanggap na nila ang kamatayan ng mga ito at umaasang mahuhuli ang utak ng karumal-dumal na krimen. Hindi sila nawawalan ng pag-asa.
May pag-asang nakamit si Mrs. Cielo Buan pagkaraang palayain ng mga New Peoples Army ang kanyang asawang si Maj. Noel Buan. Bagamat nakabalik si Major Buan sa piling ng asawa, hindi naman ganito ang kinasapitan ni Inspector Martin na binihag din ng NPA subalit sinamang palad na mamatay nang magkaroon ng encounter. Hindi pa natatanggap ni Mrs. Martin ang trahedya. Subalit alam naming darating ito.
Mag-iisang taon na ang nakalilipas nang ang mga walang kaluluwang Abu Sayyaf ay kidnapin ang mga guro at bata sa Jolo. Paano malilimot ng sambayanan ang ginawang pagpugot ng mga bandido sa ulo ng dalawang lalaking bihag at iregalo ito sa birthday ni dating President Joseph Estrada. Ngayoy unti-unti nang nagbabayad sa kanilang kasamaan ang mga bandido makaraang ipag-utos ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpulbos sa mga ito. Nailigtas na ang Amerikanong bihag na si Jeffrey Schilling. Masakit man sa mga kaanak ng biktima ang nangyari, darating din ang panahong luluwag ang kalooban at sisilang ang pag-asa.
Nangangako ng panibagong pag-asa ang Arroyo administration at ito ang inaasam ng maraming mahihirap. Sa pagkakataong ito, hindi na sila dapat mabigo at dumanas ng kalbaryo.
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa Lahat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest