^

PSN Opinyon

KRUSADA - Jesus: Pag-asa ng mga biktima

- ni Danny LA. Jimenez -
Hindi na kaila sa atin bilang Kristiyano, ang pagbibigay ng Panginoon sa atin ng kanyang anak para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Ang ating pangingilin tuwing Semana Santa ay tanda ng ating paggunita at pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat para sa kabayanihang ipinamalas sa atin ni Jesus. Nararapat lamang na ilaan natin ang araw na ito sa paggunita at paghingi ng kapatawaran sa Diyos at kapwa.

Sa paglipas ng panahon. Nakilala ng mga Kristiyano si Jesus bilang sentro ng ating pananalig. Siya ang bayaning pilit nating tinutularan sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa kanyang wagas na kabaitan at pagbibigay sa atin bilang Diyos, pumayag siyang maging biktima ng pamamaraan ng tao at ng mundo.

Hanggang sa kanyang kamatayan ipinakita sa atin ni Jesus ang kawalan ng hustisya at ang likas na pagiging marahas ng lipunan noong mga panahong iyon. Matatandaang hiningi pa ng taumbayan ang kamatayan ni Jesus kapalit ng paglaya ng kriminal na si Barabbas.

Matapos ang dalawang libong taon ay ginugunita ang kabayanihang ito ni Jesus at ang kanyang pagtanggap na maging biktima ng hindi makatarungan at makataong lipunan. Kung susuriin, tila nakalulungkot isipin na patuloy pa rin ang katiwalian, karahasan at kawalan ng hustisya sa ating lipunan. Ang mga biktima ay patuloy sa kanilang paghahanap ng katarungan.

Nawa’y sa muling pagkabuhay ni Jesus ay maganap na rin ang pagbabagong matagal nang minimithi ng mamamayan sa ating lipunan. Ang pagsugpo sa kasamaan, ang pamamayani ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Si Jesus ang pag-asa hindi lamang ng lipunan, kundi pati ng mga biktima ng karahasan at katiwalian.

Happy Easter sa lahat!

vuukle comment

ATING

DIYOS

HANGGANG

HAPPY EASTER

JESUS

KRISTIYANO

LIPUNAN

MATAPOS

SEMANA SANTA

SI JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with