^

PSN Opinyon

Pinasok kami ng squatters

-
Bago kami nagtungo ng Canada, 10 taon na ang nakararaan ay pinabakuran ng aking ama ang aming lupain at sinulatan sa pader ng ‘‘no tresspassing… private property.’’

Nito pong Enero ng kasalukuyang taon, umuwi kami upang dito na muling manirahan.

Nang pasyalan po namin ang aming lupain, nakita naming marami na palang mga squatters ang naninirahan doon. Kaagad namang ipinautos ng aking ama sa katiwala na paalisin ang mga squatters dahil patatayuan ito ng isang warehouse.

Subalit ayon sa mga squatters kailangang bayaran namin sila bago umalis.

Dapat bang pakinggan namin ang kagustuhan ng mga squatters na bayaran sila bago sila umalis sa aming lupain?

May batas bang nagbibigay proteksyon sa mga lehitimong nagmamay-ari ng lupa laban sa mga squatters? Allan Chua ng Quezon City


Hindi kayo dapat pumayag sa mga hinihingi ng mga squatters dahil alam naman ng mga ito na pribadong ari-arian iyon sa pamamagitan ng bakod na nakapaligid dito at nakasulat na ‘‘no trespassing’’. Kaya’t nakapasok ang mga squatters dito sa pamamagitan na paraan.

Ang tawag sa mga ito ay ‘‘professional squatters.’’ Ito ang mga umuukupa ng mga lupain ng walang pahintulot ng may-ari.

Ang dapat ninyong gawin ay humingi ng tulong sa munisipyo, pulis, Presidential Commission for Urban Poor (PCUP) at iyung accredited na organization ng PCUP. (Sec. 27, Par. 1 RA7279).

Ayon din sa Sec. 2 ng RA 7279, ang mga ganitong tao (professional squatters) ay isa-summarily evicted (paalisin kaagad) pati ang kanilang tirahan ay sisirain. At may penalty pa na pagkakulong ng anim na taon o pagbayad ng P60,000 pero hindi lalagpas sa P100,000 o parehas depende sa korte.

Maaari rin ninyong gawin ang mga sumusunod: 1.) Humingi ng tulong sa local government unit, sa tulong ng PNP, Presidential Commission for Urban Poor (PCUP) at PCUP accredited na organisasyon. (Par. 1 RA 7279). 2.) Magsampa ng kaso ng forcible entry sa ilalim ng rules of court; 3.) Kung lampas ng isang taon, accion publiciana.

vuukle comment

ALLAN CHUA

ARING

PRESIDENTIAL COMMISSION

QUEZON CITY

SQUATTERS

URBAN POOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with