^

PSN Opinyon

2 ina 'hino-hostage' ng maternity hospital

-
Dumarami ang reklamo ng mga pasyente sa mga pribadong ospital na ginagawa raw silang hostage o kaya’y preso kapag kulang ang pambayad at ayaw tumanggap ng promisory note.

Dapat patawan ng mabigat na parusa ang mga ospital na pampubliko at pribado na ginagawang preso o hostage ang kanilang pasyente.

Isang reklamo na naman ang natanggap ng OK KA BATA! tungkol sa inang nanganak sa pribadong ospital sa Cavite City. Minabuti ng OK KA BATA! na magtungo sa A. dela Cruz Money-ternity hostipal este Maternity pala sa 910 Crescini St., Caridad, Cavite City upang kumpirmahin nga kung may katotohanan ang reklamo na ginagawa raw preso o hostage ang dalawang inang nagsilang doon.

Sa panayam ng OK KA BATA! kina Jean Lisondra, 23, at Belia Hernandez, 34, pawang taga-Tanza, Cavite, sinabi nila na may naibigay na raw silang paunang bayad sa nasabing ospital.

Hindi daw naman talaga sila manganganak sa nasabing ospital dahil lahat daw ng kanilang pinuntahang maternity clinic sa Tanza at Cavite City ay pawang walang doktor at gamit-panganak kaya napilitan sila roon. Isa pa kumakalat ang balita na magaling si Dr. Amelia Dela Cruz at hindi ito malaking sumingil.

Si Lisondra ay nanganak noong November 28 ng madaling araw at may bill na halagang P23,000 kaya nag-downpayment sila ng P11,000; si Hernandez naman na nanganak noong Marso 21 ng gabi at may bill na P15, 000 kaya nagbigay naman siya ng P5,000.

Ayon sa dalawang ina, nangako naman silang magbabayad at gagawa ang promisory note at kapag hindi nakabayad ay ipakulong silang dalawa.

Sinabi pa ni Lisondra na hinihingan daw siya ng asawa ni Dr. Dela Cruz, isang barangay chairman ng halagang P2,500 para makalabas na ng nasabing ospital.

Mga bugok pala kayo, paano makababayad ng nasabing halaga ang mga pasyente ninyo, e bumili nga lang ng pagkain sa labas ayaw ninyong palabasin.

Para kay Dr. Dela Cruz, baka makasuhan kayo ng illegal at arbitrary detention sa ginagawa ninyong trato sa dalawang pasyente. Mag-isip-isip kayo at barangay chairman pa naman ang asawa n’yo. Walang piyansa ‘yan kapag napatunayang lumabag kayo sa Code of Ethics ng medisina.

Ang masakit pa nito, tinangka umanong tanggalan ni Alma Ballesteros, isa sa mga staff ng naturang ospital ng bentilador ang dalawang pasyente ngunit dahil sa nagtaas ng boses si Lisondra ay naibalik ito. Mga hinayupak kayo talaga, lahat yata ng pangha-harass sa dalawang pasyenteng ina ay ginagawa ninyo.

Ayon pa sa dalawang pasyente, itinigil na ang pagbibigay sa kanila ng pagkain at may pangyayari raw na ayaw silang payagang bumili ng pagkain sa labas at kinakandado ang pintuan ng nasabing ospital. Okay na maternity hospital ‘yan, dapat isailalim ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Tinangkang kausapin ng OK KA BATA! si Dr. Dela Cruz upang kunin ang panig nito ngunit wala siya sa naturang ospital.

Binara agad ako ng isa sa kanyang staff na naka-eye glass at maikli ang buhok na tumangging ibigay ang pangalan na hindi raw puwedeng kausapin si Dr. Dela Cruz sa telepono.

Para sa mga kamag-anak ng dalawang pasyenteng ina, sampaha ninyo ng kaso ang ospital para matauhan o kaya’y mag-people power kayo.

ALMA BALLESTEROS

AYON

BELIA HERNANDEZ

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAVITE CITY

CODE OF ETHICS

CRESCINI ST.

DR. DELA CRUZ

OSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with