^

PSN Opinyon

PAOCTF office 'haunted house' na

-
Tama lang ang ginagawa ni Director Hermogenes Ebdane, hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na burahin ang imahe na ang opisina nila sa Camp Crame ay isang ‘‘fortress’’ kung saan pinaplano ang masasamang gawain para supilin ang mga kalaban ng gobyerno.

Sa mga naglalabasan ngayon sa radio, diyaryo at telebisyon, itong PAOCTF office ay para bang isang ‘‘haunted house’’ na at kung hindi kaagad magagawa ng paraan ni Ebdane hindi magiging maganda ang impresyon ng sambayanan.

Pero kung tutuusin, marami sa mga opisyal ng pulisya at mediamen ang nakausap natin ang nagsasabing naiiba na ang mga ‘‘rules and regulations’’ na umiiral ngayon sa PAOCTF di tulad noong kapanahunan ng pinatalsik na si President Estrada. Maaaring security conscious pa rin ang mga guwardiya roon na taga-Special Action Force ng (SAF) Philippine National Police (PNP) pero mararamdaman umano ang ambiance sa pag-apak pa lamang sa loob ng PAOCTF compound. At sa tingin nila maraming tao ang labas-masok sa PAOCTF compound kumpara noong panahon ni Estrada kaya’t magandang mensahe ito. Ibig sabihin lamang niyan, marami na ang gustong magreklamo o dili kaya’y magbigay ng impormasyon para malutas na ang mga sensational crimes, tulad ng kidnapping-for-ransom.

Sa kasalukuyan, ‘‘skeleton force’’ lamang ang gumagana sa PAOCTF dahil inalis na ang mahigit 400 miyembro nito para alisin ang akusasyon na nangangampanya ang mga ito para sa kandidatura ng kanilang dating hepe. Pero maraming trabaho silang inaasikaso kaya’t dapat madaliin ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza ang request ni Ebdane na punuan ang humihingalong roster nila.

Sinabi ni Ebdane na wala ng ibang paraan pa para mabura ang masamang imahe ng PAOCTF kundi performance, performance at performance pa. Kasi nga kung sobra-sobra na ang kanilang performance siguro mapupuna rin ng sambayanan na naiiba na nga ang PAOCTF ngayon kesa noon.

May punto si Ebdane dito ah! Kaya ’wag kayong magtaka kung makikita n’yong nagkanda-ugaga ang mga taga-PAOCTF sa kanilang mga trabaho. May gusto silang patunayan na naiiba itong gobyerno ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na maayos ang trabaho at hindi tulad noon na ang akala ng mga miyembro ng PAOCTF ay mataas ang antas sa kanilang kapwa pulis.

Kahit napipintong buwagin na ni GMA itong PAOCTF, dapat suportahan niya ang nalalabing oras nito dahil trabaho lang ang gusto nila. ‘Ika nga kahit naghihingalo na sila, trabaho at reconciliation pa rin ang laman ng utak at hindi personalan na siyang nagiging ugat ng demoralisasyon sa hanay ng PNP noon.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DIRECTOR HERMOGENES EBDANE

EBDANE

PAOCTF

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT ESTRADA

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with