Dahil nga hindi nakaririnig ang isang bata kaya nakadarama siya ng pagkahabag sa sarili na para ba siyang may sakit na nakakahawa na pinandidirihan at nilalayuan. Kalimitan siyang mapag-isa at tinatanong ang sarili na bakit hindi siya ipinanganak na normal gaya ng mga batang gusto niyang makalaro.
Hindi lamang siya ang nag-iisa. Maging ang kanyang mga magulang ay nagdurusa rin. Batid nila ang kalagayan ng anak na may hearing problem kung kayat masakit man sa kanilang tanggapin ang katotohanan na silay nagkaanak ng bingi ay wala silang magawa. Naniniwala sila na iyon ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanilang anak kaya anumang pasakit at sakripisyo ay gagawin nila dahil sa pagmamahal dito.
Ang problema ng batang walang pandinig at ng kanyang mga magulang ay may kasagutan na. Ang problema nilay malulutas na sa pamamagitan ng natatanging hearing aid na sadyang nilikha para matulungan ang mga may hearing problems at itoy ipinamamahagi ng Hi-Tech Hearing Center sa pamamagitan ni Dr. Eduardo Go, Board-Certified Hearing Instruments specialist. Si Dr. Go at ang kanyang staff ay mga gabay sa pandinig ng mga may hearing problem. Ayaw na ayaw ni Dr. Go na tawagin silang bingi na batid niyang isang paghamak at pag-alipusta sa kalagayan ng isang may kapansanan, kabilang na ang mga deaf and mute. (Itutuloy)