Racket sa cellphone units laganap na sa Metro Manila
March 30, 2001 | 12:00am
Nagpaabot ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang malapit at ka-pamilyang kaibigan ng OK ka BATA! upang madaling masugpo at madakip ang ilang miyembro ng sindikato ng Wanna buy cellphone Gang na bumiktima ng mga estudyante ng Dela Salle University sa Taft Avenue, Maynila noong March 27, 2001.
Ayon sa mga estudyante na ayaw magpabanggit ng pangalan maliban kina Nolan Fernandez, Cristy Taco at isang nagngangalang Geralaine, sila ay nabiktima ng sindikato ng halagang P276, 000 kapalit ng makabagong cellphone na kasalukuyang ilalabas na sa Bureau of Customs sa NAIA.
Binanggit ng mga biktima ang tatlong miyembro ng sindikato ng Wanna buy cellphone na sina Jenalyn Aguilar, Sheryl Oga at isang nagngangalang Atty. Jose Mendoza ng Bureau of Customs.
Dahil sa kakilala ni Fernandez si Jenalyn Aguilar ay tiwalang pinapunta silang lahat sa McDonald, La Salle Taft, Maynila dakong alas 9 ng umaga upang pag-usapan ang nasabing deal sa cellphone units na ang supplier ay si Atty. Jose Mendoza ng BoC.
Dahil sa medyo alanganin ang isa sa mga biktima sa ipinaliliwanag ng suspek sa cellphone units ay napilitang ipakita ang ilang papeles mula sa Bureau of Customs na nasa pangalan ni Ms. Sheryl Oga ng Quadstar Bldg., Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan, Manila.
Binigyan sila ng instruction nina Aguilar at Oga na pumunta sa MEASCOR Cargo, NAIA kay Jenalyn.
Sa maikling kuwento, nagbigay na ang mga biktima ng halagang P276, 000 bago ibinigay daw nina Jenalyn at Sheryl ang pera sa isang nagngangalang Lauro C. Villanueva na siyang kukuha ng cellphone units sa Bureau of Customs.
Hanggang ngayon ay biglang naglaho ang mga suspek tangay ang P.2-M.
Kaya panawagan sa mga estudyante na atat-na-atat na bumili ng cellphone units sa murang halaga, mag-ingat kayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest