Dapat malaman sa luslos

Mali ang paniniwalang kapag ang ama ay may luslos (hernia) ay magkakaroon din ng luslos ang anak na lalaki ayon kay Dr. Rene Mendoza, isang general cancer and laparoscopic surgeon.

Ayon pa kay Dr. Mendoza wala ring katotohanan na kaya nagkakaluslos ang mga kalalakihan ay dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Ipinaliwanag niya na ang luslos ay dulot ng isang butas sa ‘‘inquinal ring.’’ Sa butas na ito ay may pumapasok na bituka at humahaba at sumasandal sa abdominal wall.

Sinabi pa ni Dr. Mendoza na ang paggamit ng supporter ay walang epekto sa luslos dahil hindi naman nito nasusuportahan ang paglaglag ng bayag.

Ipinayo ni Dr. Mendoza na dapat magpatingin agad sa isang dalubhasang doktor ang lalaking may luslos. Kapag napabayaan ito ay magbubunga ng kamatayan. Ang luslos ay hindi dapat na ipinawawalang bahala. Binigyan-diin ni Dr. Mendoza na early prevention is better than cure.

Operasyon lamang ang paraan para magamot ang luslos at ito ay sa pamamagitan ng laparascopic surgery. Isang espesyal na machine ang gamit sa naturang operasyon. Isang maliit na kamera ang itinutusok sa butas ng para mapanood sa animo’y TV monitor ang isinasagawang laparoscopic surgery. Madali lang ang operasyon at hindi masasaktan ang pasyente, ayon kay Dr. Mendoza.

Show comments