Paki-eksplika nga, Panfilo
March 30, 2001 | 12:00am
Pauunahan na kita, G. Panfilo Lacson. Kampanya ngayon, kayat maraming isyung-nagsusulputan, pero dahil kampanya nga, kailangan ding sagutin ang mga isyu, lalo na kung tungkol sa pagkatao ng kandidato. Halimbawa, itong tungkol umano sa ari-arian mo sa Chula Vista, California.
Wala kasi ito sa sinumpaan mong Statement of Assets and Liabilities simula 1996. Pero lumalabas sa US records na meron kayong joint property sa ngalan ng mag-asawang Panfilo M. Lacson at Alice P. Lacson sa #1011 Laguna Seca Loop ng naturang lungsod. Nakatala ito bilang Lot 1, Chula VistaTract No. 92-03. Naka-krokis din ito sa mapa na may numerong 13043. Lumalabas na isinangla mo ito nung Pebrero 1996 at tinubos nung Hulyo 1999.
Ayon pa sa dagdag na papeles, binigyan mo ng power of attorney ang mag-asawang Ernani Lacson at Perciviranda. E. Lacson nung Hunyo 1999 para kumatawan sa iyo sa Amerika tungkol sa naturang ari-arian. At nilista mo ang yong tirahan sa Pilipinas na #25 Kirishima St., BF Homes, Las Piñas opisyal na address mo, ayon sa PNP.
Kailangang ipaliwanag mo ito, G. Lacson. Kasi kung sa iyo nga itong ari-arian pero hindi mo naman inamin sa iyong SAL, paglabag ito sa Anti-Graft and Corrupt Pratices Act at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kung hindi naman sa iyo ito, bakit ka nakalista sa mga notaryadong dokumento bilang nagsangla at tumubos at nagbibigay ng power of attorney.
Maraming alam tungkol sa iyo ang mga botante. Pero marami rin silang hindi alam. Nariyan ang iyong record sa PNP, PACC at PAOCTF. At narito rin ang mga US records. Kaya kung puwede lang, G. Lacson, paki eksplika nga.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended