^

PSN Opinyon

Ang hipag ko'y taksil

-
Ang kapatid kong lalaki ay tatlong taon nang hiwalay sa kanyang asawa. Ang hipag ko ang humiwalay sa aking kapatid mula nang may nakilala itong lalaki. Iniwan po ng aking hipag ang kanyang tatlong anak sa aking kapatid.

Kamakailan ay namatay ang aking kapatid dahil sa aksidente. Dahil hindi naman sila legal na hiwalay ng kanyang asawa, kine-claim po ngayon ng aking hipag ang mga benefits na dapat sana’y tuwirang ibigay sa kanyang tatlong anak. Nangangamba po kami dahil kapag nakuha ng aking hipag ang lahat ng benefits tulad ng mga manggagaling sa SSS at mula sa kompanya ay baka wala nang matira pa sa aking mga pamangkin na mga menor de edad pa. Nakapisan sa akin ang mga ito.

Ano po ang dapat naming gawin? Maaari po ba na-ming utusan ang SSS at ang kompanya na huwag i-release ang mga benefits sa aking hipag? – Marivic Villapando ng Obando, Bulacan


Ang una ninyong gawin ay pumunta sa pinakamalapit na SSS branch, dala-dala ang mga dokumento ng kapatid mo at xerox na kopya nito. Tapos humingi ng kopya ng form tungkol sa guardianship. Kasama ng kopya ng form nang guardianship ay mayroong listahan ng mga dokumento (requirements) na dapat ninyong isumite. Kapag kumpleto ang mga dokumento mong dala ay kumpletuhin kaagad ang guardianship form at isumite kaagad.

Bibigyan kayo ng SSS nang notisya na mag-eksplika base sa guardianship form na inyong isinumite. Ang iyong hipag ay bibigyan din ng notisya ng SSS na dapat siyang mag-eksplika kung bakit siya hiwalay sa kanyang asawa noong panahon ng kamatayan nito. Ang SSS ay gagawa nang sariling imbestigasyon tungkol sa iyong sinumite sa guardianship form.

AKING

ANO

BIBIGYAN

BULACAN

DAHIL

HIPAG

INIWAN

KAMAKAILAN

MARIVIC VILLAPANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with