^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Batas ay puro butas kaya droga'y nagkalat

-
Kakatwa ang hatol ng mga huwes sa mga nahuhuling drug lord. May hatol silang mabigat at may hatol din namang walang kabigat-bigat, walang ngiping kumakagat. Ibinabase ang bigat ng hatol sa nakumpiskang droga. Pero di ba’t kahit na magaan o mabigat ay ganoon din ang suma, parehong sumisira sa kinabukasan. Hindi ba’t sa isang sache lamang ng shabu nagsisimula ang lahat kaya ngayo’y maraming bangag.

Isang halimbawa nang kakatwang hatol sa drug lord ay ang kaso ni Rafael Madraso, 66, ng F.B. Harrison, Pasay City. Hinatulan lamang siya ng habambuhay na pagkabilanggo ni Judge Zosimo Escano ng Parañaque City Regional Trial Court. Nahulihan ng dalawang kilo ng shabu si Madraso noong March 11, 1999 sa Skytrek nightclub sa Ninoy Aquino Ave. sa Parañaque. Nahuli mismo si Madraso sa aktong iniaabot ang shabu sa mga intelligent agents na nagpanggap na poseur-buyer.

Habambuhay lamang ang inihatol ni Escano kay Madraso sapagkat may kakulangan umano sa mga ebidensiyang iniharap laban dito. Pero kung susuriin hindi ba’t matibay nang ebidensiya ang shabung iniabot niya sa mga nagpanggap na pulis. Pinuri pa nga ni Escano ang mga pulis na nagsagawa ng entrapment. Ang judge na rin ang nagsabi na may conflicting statement si Madraso kaya ito nadiin sa kaso ng pagtutulak ng droga. Bakit habambuhay lamang kung gayon ang hatol?

Kung magaan naman ang hatol ni Escano kay Madraso kabaligtaran naman sa hatol ni Judge Diosdado Peralta ng Quezon City Regional Trial Court laban kina Supt. Francisco Ovilla at siyam na kasamahan nitong pulis na hinatulan ng kamatayan. Si Ovilla at mga kasama ay napatunayang tumanggap ng P5 milyong suhol, 1.5 kilo ng shabu at isang Honda Civic car para palayain ang mga nahuli nilang drug traffickers noong 1999. Si Ovilla ay commander ng Anonas police station sa Cubao. Ayon kay Peralta, dapat iaply ang batas sa mga katulad ni Ovilla na gumagawa ng masama. Sinabi pa nito na ang mga drug lord na pinatakas nina Ovilla ay maaaring nagkakalat na naman ng droga sapagkat hindi pa nahuhuli ang mga ito.

Mas kapuri-puri si Peralta kaysa kay Escano. Kung si Peralta ang naghatol kay Madraso tiyak na kamatayan ang hatol dito. May pagkakataon pang makalaya si Madraso dahil sa hatol ni Escano. At paano nakasisiguro na hindi na siya makapagkakalat ng shabu gayong sa mga kulunga’y kalat na rin ito.

Sa aming palagay kaya wala nang natatakot na drug traffickers ay dahil walang pantay na hatol. Puro butas at bungi ang batas kaya droga’y walang tigil sa pagkalat.

CITY REGIONAL TRIAL COURT

ESCANO

HATOL

MADRASO

PERALTA

SI OVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with