KRUSADA - Mga 'scalawags' sa PNP, ingat kayo!
March 25, 2001 | 12:00am
Dalawang kasong hinawakan at sinubaybayan ng VACC ang nagkaroon ng katarungan laban sa mga abusado at tiwaling kasapi ng Philippine National Police (PNP).
Noong Marso 15, hinatulan ng kamatayan ni Judge Diosdado Peralta ng Branch 95 ng Quezon City RTC si Supt. Francisco Ovilla ng Central Police District (CPD) Station 9, kasama ang siyam nitong tauhan para sa krimeng bribery at violation of the anti-graft law.
Naging tampok din ang papel na ginampanan ng dalawang tapat na pulis na sina SPO3 Reynato Resureccion at PO3 Wilfredo Gonzales upang maparusahan sina Ovilla et al. Matatandaan na sina Resureccion at Gonzales ang nagbunyag ng katotohanan.
Samantala, sa Branch 11 ng Manila RTC sa pamamahala ni Judge Luis J. Arranz, hinatulan noong Marso 12, ng life imprisonment ang mga pulis na sina Chief Insp. Francisco G. Alhambra, SPO3 Leon C. Sante, SPO2 Virgilio D. Zamora, SPO2 Virgilio P. Mañabo, SPO1 Domingo Z. De Salit, SPO1 Alberto R. Nepomuceno, SPO1 Rene M. Ambat, PO3 Constancio R. Lagtu at Junior Police Renato C. Morales.
Ang siyam na pulis ay napatunayang nagkasala sa pagpatay sa mga kapatid ni Vicente Purificacion na sina Gerardo at Rolando, at ang malubhang pagkakasugat din ng mga ito kay Vicente sa Bgy. San Miguel, Maragondon, Cavite noong madaling araw ng Hulyo 15, 1993.
Bagamat iginiit ng mga pulis na engkuwentro raw ang naganap, negatibo naman ang resulta ng NBI nang siyasatin nito ang pangyayari at maging ang mga biktima sa gunpowder burns. Idinagdag pa ng NBI na wala ring palitan ng putok na naganap, kundi ang mga ito’y nagmula lamang sa mga akusado.
Nawa’y magsilbing aral ang mga kasong nabanggit para sa mga tiwali at abusadong miyembro ng PNP.
Para naman sa VACC, ang mga paghahatol sa mga pulis na nabanggit ay isang pagpapahiwatig ng muling pagbangon ng hustisya sa ating lipunan. Kaya kayong mga scalawags diyan sa PNP, ingat kayo. May hangganan din ang pang-aabuso ninyo!
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o kaya’y sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa Tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21.
Noong Marso 15, hinatulan ng kamatayan ni Judge Diosdado Peralta ng Branch 95 ng Quezon City RTC si Supt. Francisco Ovilla ng Central Police District (CPD) Station 9, kasama ang siyam nitong tauhan para sa krimeng bribery at violation of the anti-graft law.
Naging tampok din ang papel na ginampanan ng dalawang tapat na pulis na sina SPO3 Reynato Resureccion at PO3 Wilfredo Gonzales upang maparusahan sina Ovilla et al. Matatandaan na sina Resureccion at Gonzales ang nagbunyag ng katotohanan.
Samantala, sa Branch 11 ng Manila RTC sa pamamahala ni Judge Luis J. Arranz, hinatulan noong Marso 12, ng life imprisonment ang mga pulis na sina Chief Insp. Francisco G. Alhambra, SPO3 Leon C. Sante, SPO2 Virgilio D. Zamora, SPO2 Virgilio P. Mañabo, SPO1 Domingo Z. De Salit, SPO1 Alberto R. Nepomuceno, SPO1 Rene M. Ambat, PO3 Constancio R. Lagtu at Junior Police Renato C. Morales.
Ang siyam na pulis ay napatunayang nagkasala sa pagpatay sa mga kapatid ni Vicente Purificacion na sina Gerardo at Rolando, at ang malubhang pagkakasugat din ng mga ito kay Vicente sa Bgy. San Miguel, Maragondon, Cavite noong madaling araw ng Hulyo 15, 1993.
Bagamat iginiit ng mga pulis na engkuwentro raw ang naganap, negatibo naman ang resulta ng NBI nang siyasatin nito ang pangyayari at maging ang mga biktima sa gunpowder burns. Idinagdag pa ng NBI na wala ring palitan ng putok na naganap, kundi ang mga ito’y nagmula lamang sa mga akusado.
Nawa’y magsilbing aral ang mga kasong nabanggit para sa mga tiwali at abusadong miyembro ng PNP.
Para naman sa VACC, ang mga paghahatol sa mga pulis na nabanggit ay isang pagpapahiwatig ng muling pagbangon ng hustisya sa ating lipunan. Kaya kayong mga scalawags diyan sa PNP, ingat kayo. May hangganan din ang pang-aabuso ninyo!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended