'Artists as artists'
March 25, 2001 | 12:00am
Noong March 9 ay idinaos ang isang art exhibition ng mga artista na tinaguriang Artists as artists." Ginanap ito sa SSS Bldg. Quezon City. Ang konsepto ay buhat kina Maria Isabel Lopez at Natalie Palanca. Kabilang sa mga artistang nagtanghal ng obra ay sina Joey de Leon, Lani Lobangco, Cesar at Rommel Montano, Evangeline Pascual, Raymund Keannu, Al Quinn, Vic Vargas, Ian Veneracion, Cris Villanueva, Victor Wood at Maria Isabel Lopez-Yokohama. Naging punong-abala sa art show sina Jennifer Javier at Bella Bermudo ng SSS Gallery at malaki rin ang naging partisipasyon ni Marissa Bugante, VP Public Affairs ng SSS, at ni Heroshi Yokohama, Japanese surfer na asawa ni Ma. Isabel Lopez.
Kapansin-pansin ang mga likha ni Joey de Leon na tinawag niyang Nipple Power kung saan ang mga utong ng suso ng babae ang kanyang pinahalagahan. Marikit na tanawin ng kalikasan ang ipininta ni Director Al Quinn. Isang nakabubuhay na obra maestra ni Evangeline Pascual ang pinamagatang Looking for Angels." Isa ring malikhaing kaisipan ang makikita sa mga iginuhit ni Lani Lobangco. Malalim ang kahulugan ng mga paintings nina Cris Villanueva at Ian Veneracion. Simple lang ngunit mabigat din ang mensahe ng katha ni Raymond Keannu. Marami ang humanga sa Mother and Child ni Cesar Montano at entry ng kanyang kapatid na artista na rin si Rommel Montano.
Ilan sa mga dumalo sa opening ng art show ay sina Atty. Experidion Laxa ng FAP; Manoling Morato, Gigi Balagtas ng North Star International Travel; Evelyn E. Mateo ng MMG International; Ellen Andaya, Miss Philippines Nina Ricci Alagao at Director Willie Schneider.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended