Val Adriano, Vic at Alex Yu me factory ng pera; Gen Mendoza ano ba?
March 25, 2001 | 12:00am
Kung kumita ng limpak-limpak na pera si dating presidential friend Charlie ‘‘Atong’’ Ang sa jai alai noong nakaraang administrasyon, hindi nalalayo na pati kanyang mga alipores ay naambunan din ng milyun-milyon. Kung umasta kasi sa sabungan at iba pang pasugalan itong mga alipores ni Atong na sina Vic at Alex Yu at ang kanilang ‘‘bata’’ na si Val Adriano, ang kasalukuyang jai alai bookies king sa Metro Manila, ay parang may factory sila ng pera.
Ayon sa aking mga nakausap, kung si Adriano ay may mga mansion sa Makati City at sa San Andres, Manila at may malawak na lupa sa Batangas itong Yu brothers ay may itinatagong kayamanan din sa iba’t ibang bahagi ng bansa. May tumawag sa akin at sinasabing si Yu ang may-ari ng isang malaking propiyedad na matatagpuan sa Vista Real Classica Subdivision sa Commonwealth, Quezon City. Hamakin n’yo ba naman na sa sobrang laki ng kinita ni Alex Yu sa pagmamanipula ng labas ng jai alai noong kapanahunan ni Estrada ay nakapagpatayo siya ng mala-palasyong bahay niya sa Phase 1-E, Block 3 Lot 2, 3 and 4. Garahe pa lang ay puwede ng bahay ng mga kababayan natin sa Tondo ’no?
Naispatan ng aking mga espiya ang mga piling pelotari sa bahay ni Alex Yu. Hindi lang ’yan, pati mga gambling lords sa Metro Manila at Kabisayaan at Mindanao, ay nakakarating din sa bahay ni Alex Yu kapag may okasyon. Sinabi ng aking espiya na sa bahay na ito ni Alex Yu pinaplano kung paano dadayain ang labas ng jai alai at maging ang masiao sa Visaya at Mindanao. Kaya hindi kataka-taka kung ang mga numerong lumalabas ngayon sa jai alai ay hindi tayain ng tumatangkilik nito.
Kaya hindi kayang ipasara ni acting Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza itong pa-bookies ng Yu brothers na pinangasiwaan ni Adriano ay dahil may ‘‘nakarating’’ na sa kanya.
General Mendoza, bantayan mo rin itong sina Nestor, Gaton, at Rey ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dahil taliwas sa sinasabi mong ‘‘no take policy’’ ang ginagawa nila. Akala ko ba ay hindi kikilos ang CIDG laban sa 1602 o illegal gambling Chief. Supt. Nestor Gualberto, Sir, bakit nangongolekta itong mga ‘‘bataan’’ mo?
Kaya patuloy ang ligaya nitong mga Yu brothers at Adriano ay hindi nakatimbre na sila sa iba’t ibang sangay ng pulisya natin. Totoo ba ito General Mendoza? Kung sabagay, baka hindi lang mapansin ni General Mendoza itong problemang dulot ng Yu brothers at Adriano dahil abala siya sa pagpa-pogi ng pangalan niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am