^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May silbi ba ang MTRCB?

-
Nawalan ng silbi ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa pagkaka-ban ng "Live Show’’. Bakit pa itinayo ang board na ito kung wala rin namang tunay na kalayaang mag-apruba ng sa inaakala nila’y pelikulang hindi naman malaswa at dapat mapanood sa mga sinehan. Kung sa tuwina’y ganito ang kahihinatnan ng MTRCB, mas makabubuting buwagin na lamang ito ni President Gloria Macapagal-Arroyo at bumuo ng isang bagong ahensiya na ang mga miyembro’y mula sa Simbahan. Ito ay upang maiwasan na ang mga kontrobersiya.

Nag-resign kamakalawa si MTRCB Chairman Nicanor Tiongson dahil sa umano’y pakikialam ng Simbahan dahil sa pag-aaprub niya ng ‘‘Live Show’’. Sinabi ni Tiongson na isang pagsikil sa kalayaang magpahayag ang ginawa ng Simbahan. Hindi umano siya papayag na maging instrumento ng pagsikil sa karapatan na ginagarantiyahan sa 1987 Constitution.

Tama lamang ang ginawa ni Tiongson sapagkat pagyurak ito sa kakayahan niyang mamuno bilang censor chief. Para bang nawalan siya ng karapatan dito at nasikil ang kalayaan. Ang ‘‘Live Show’’ na inaprub ni Tiongson ay istorya ng mga torero at torera. Nagsi-sex ng live sa harap ng mga manonood. Ang ganitong tema ang ikinagalit ng Simbahan sa pangunguna ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at ng iba pang moralistang grupo.

Hindi ilang beses na may pinigil na pelikula dahil sa pakikialam ng Simbahan at sa puntong ito ay marami ang nagsisipagtaasan ng kilay. May silbi nga ba ang MTRCB at napanghihimasukan sa kanilang trabaho? Maaaring may punto rin naman ang Simbahan sa panghihimasok sa mga pelikulang may tema ng kamunduhan subalit sana’y hindi naman sila ganoon kabilis humusga at masyadong grabe.

Kung matalas ang mga mata ng Simbahan at iba pang moralista sa panooring anila’y malaswa, sana’y matalas din ang kanilang mata sa mga nagkalat na pornographic materials gaya ng video compact discs (VCDs) na itinitinda sa bangketa. Nagkalat ang mga pelikulang malalaswa sa Rizal Ave., Carriedo sa Quiapo; Cubao sa Quezon City; Baclaran, Ayala Avenue, Greenhills at sa Divisoria. Mabibili ang mga VCDs sa halagang P65 at pinapakyaw maging ng mga menor de edad.

Para bang piniringan ng Simbahan ang kanilang kanang mata subalit nakabukas naman ang kaliwa. Dapat na maging makatotohanan ang Simbahan sa isyung ito at dapat ding pag-isipan muna ni GMA bago kumilos nang marahas.

AYALA AVENUE

CHAIRMAN NICANOR TIONGSON

LIVE SHOW

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

SIMBAHAN

TIONGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with