^

PSN Opinyon

Maglinis muna ng bakuran

-
Ako’y galit din sa kalaswaan. Nagngingitngit ako sa mga prodyuser ng pelikula na isinasangkalan ang freedom of expression sa paggawa ng mga pelikulang labis ang exposure sa sex.

Isa na namang mahalay na pelikula ang pinigil ang showing dahil sa udyok ng Simbahang Katoliko sa pamahalaan. Napilitan tuloy ang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Dr. Nicanor Tiongson na magresign. Siya kasi ang nagpahintulot na ipalabas ang pelikulang Live Show.

But the irony of it all ay heto:
Kasalukuyang nag-uuminit ang isyu sa pagsagka ng Simbahan sa pangunguna ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin nang bumulaga ang kahambal-hambal na balita mula mismo sa Tanggapan ng Santo Papa sa Vatican. Na lumalaganap sa buong daigdig, kasama na ang Pilipinas ang kaso ng mga paring nanghahalay ng mga madre.

Lalo pang naging karimarimarim ang report ng Vatican na nagsabing may mga madre pa umano na nangabuntis at dahil sa aabuting kahihiyan ay ipinalaglag ang dinadalang sanggol sa sinapupunan.

Okay ang pagtutol ng Simbahan sa pagtatanghal ng malaswang pelikula.
Pero dahil sa Vatican report, tila nabawasan ito ng moral high ground para itulak ang ganoong pagtutol.

Tiyak na lilibakin ito ng mga nasa industriya ng pelikula na nagbantang magsasagawa ng malawakang kilos-protesta upang tuligsain ang pakikialam ng Simbahan sa desisyon ng gobyerno.

Tama si Cardinal Sin. Hindi absoluto ang kalayaan. May limitasyon ito.

May laya ang mga prodyuser ng pelikula na ilarawan ang mga realidad sa lipunan, oo. Ngunit kung sa paglalarawang ito’y ibababad mo sa mata ng manonood ang aktuwal na sex act, may iba nang layunin ito. Ang kilitiin ang makamundong pita ng mga nagsisipanood.

Bagamat tama si Sin, ang nabunyag na eskandalo batay sa pahayag ng Vatican ay nakaapekto sa buong simbahan. Sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan, wika nga.

Kung ako ang Papa, gagawin kong optional sa mga pari ang celibacy o di pag-aasawa. Naaayon sa bibliya iyan.

Sabi ni Apostol Pablo sa mga leader ng Simbahan noon, "makabubuti sa inyo ang hindi magsipag-asawa. Ngunit kung iya’y magiging daan para masunog kayo sa pagnanasa, makabubuting magsipag-asawa kayo.’’

Kaso hindi ako ang Papa at hindi ako Katoliko kaya wala akong ‘‘K’’ na magpanukala nito. Ang akin nama’y something to think about.

APOSTOL PABLO

CARDINAL SIN

DR. NICANOR TIONGSON

LIVE SHOW

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NGUNIT

SANTO PAPA

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with