^

PSN Opinyon

Pangalagaan ang balat

-
Tag-araw na naman kaya nararapat pangalagaan ang balat. Ayon sa leading dermatologist na si Dr. Grace Palacio Beltran, dapat maging lubhang maingat sa pangangalaga ng balat na sa mga summer months, kung saan napakatindi ng sikat ng araw.

Sabi ni Dr. Beltran na bagama’t ang sunlight ay kailangan ng katawan hindi naman ipinapayo ang matagal na pagbibilad sa araw. Ang sunbathing ay hindi dapat na tumagal ng 15 minutos lalo na sa mga babies na pinaaarawan sa umaga dahil nagbibigay ng Vitamin C ang sunshine. Ayon sa dermatologist na kagagaling lamang sa kanyang advance studies sa Harvard University sa Amerika, napaka-sensitibo ng balat lalo na ng mga sanggol kaya hindi advisable ang matagal na sunbathing. Ipinapayo niya na ang oras ng pagsa-sunbathing ay mula alas-7 hanggang alas-8 ng umaga.

Sa panahon ng bakasyon ay marami ang natutungo sa mga beach resorts. Bukod sa paliligo sa dagat ay gawi na rin ang mag-sunbathing sa beach. Gustong mag-tan ang balat pero ang hindi nila alam ang sobrang pagbibilad para ma-tan ang balat ay masama at ito ay dahilan ng pagkakaroon ng skin cancer. Binigyan-diin niya na huwag na huwag na magbabad sa dagat at magbilad sa buhangin mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon pa kay Dr. Beltran, dapat na maglagay ng skin lotion sa balat at ipinapayo niya na maglagay ng sunblock lalo na sa mga nagsi-swimming. Sinabi niya na ang pangangalaga ng balat ay dapat na gawin hindi lamang ng mga kababaihan kundi pati na rin ng mga kalalakihan. Ang maganda at makinis na balat ay nagpapatingkad sa personalidad ng isang tao.

AMERIKA

AYON

BALAT

BINIGYAN

BUKOD

DR. BELTRAN

DR. GRACE PALACIO BELTRAN

HARVARD UNIVERSITY

VITAMIN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with