^

PSN Opinyon

Maging matalino sa pagpili ng kandidato

-
Panahon na naman ng pangangampanya at ang mamamayan ay interesadong makinig sa plataporma ng mga kandidato upang masuring mabuti ang kanilang mga kandidato. Iba’t ibang klase ng paghikayat sa mga manonood ang ginagawa upang makumbinsi na sila’y iboto.

Hinihikayat kong makinig ang mamamayan sa plataporma o mga sasabihin ng mga kandidato upang makilala silang mabuti. Pakinggan ninyo ang kanilang mga planong pagpapaunlad sa inyong lugar. Maging marunong po sana kayong kumilatis ng mga kandidato ngayong darating na eleksiyon.

Ang antas ng maturidad ng mamamayan ay maaaring makita sa kanilang reaksyon sa mga kandidatong nagdaraos ng rally sa kanilang mga lugar. Karaniwan lamang na magkaroon ng mga hiyawan sa mga kampanyang ito ngunit hindi dapat batuhin ang mga kandidato.

Kamakailan, ang mga kandidato ng People Power Coalition (PPC) ay nakaranas ng pananakit sa mga pro-Erap na manonood. Mabuti na lamang at marurunong makisalamuha at natural na maunawain ang mga kandidato ng PPC. Dito natin masusukat ang kanilang tunay na karakter, ang pagtanggap ng kritisismo. At sa huli naging matagumpay naman ang kanilang kampanya.

Totoong mayroon tayong kalayaan sa pagsasalita ngunit huwag naman itong gamitin sa pananakit ng kapwa. Irespeto ang pananalig at paniniwala ng iba. Makiisa tayo sa pamahalaan na magsulong ng mapayapang eleksiyon.

DITO

ERAP

HINIHIKAYAT

IRESPETO

KAMAKAILAN

KANDIDATO

KANILANG

KARANIWAN

PEOPLE POWER COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with