Hindi natin siya masisisi. Gaano man kasama ang tingin ng iba sa pinatalsik na President Joseph Estrada, siya ay ama pa rin ni Jinggoy. Sabi nga, "blood is thicker than water".
At sa kabila ng kanilang pagkakaibigan, nagawa ni Revilla na pumanig sa grupong ibig patalsikin ang dating Presidente.
Ngunit hindi rin masisisi si Revilla. Sabi nga niya, mahal niya bilang kaibigan si Jinggoy pero dapat niyang unahin ang pagmamahal sa bayan.
Reelectionist si Revilla at ang kanyang katunggali ay si Cong. Ayong Maliksi na ayon sa ating mapananaligang impormantey binigyan ni Jinggoy ng tseke na nagkakahalaga ng P30 milyon. Donation sa campaign coffer ni Maliksi.
Matindi raw talaga ang galit ni Jinggoy kay Revilla at gagawin nito ang lahat upang tiyakin ang pagkatalo ng huli.
Mahirap ang pulitika. Sabi nga "politics make strange bedfellows."
Ang kaibigan mo ngayoy maaaring maging pinaka-mortal mong kaaway in the future.
Madalas, para sa mga politikong mahaba na ang tahid, pati sarili nilang kapatid, anak o iba pang kamag-anak ay nagiging kalaban pa nila.
Kahit nga sa relasyong mag-ama nina Sen. Ramon Revilla at Governor Revilla ay nagkatotoo ito. Maaaring hindi sila magkaaway bilang mag-ama subalit magkatunggali ang kanilang prinsipyo porke ang Senador ay kampi kay Estrada na nakita natin nang nililitis pa ng impeachment court ang dating Presidente.
Ngunit kung minsan, ang ganitong pagpanig sa ibang kampo ng magkakamag-anak sa pulitika ay palabas lang.
Para nga naman kung matalo ang isang kampo ay mananatili pa rin silang nakakapit sa pundilyo ng kung sinuman ang magwawagi sa eleksyon.
Ganyan ang pulitika sa Pilipinas. Sabihin man na itoy hindi dapat personalin, hindi rin maiwasan ang mga personal na hidwaan ng mga magkakatunggali sa pulitika.
"There are no permanent friends in politics but only permanent personal interest," wika nga.