Kaya nang hindi isinagawa ng kompanya ang Collective Bargaining Agreement (CBA) at tinangka pa nitong buwagin ang PFU, nagharap ng notice of strike ang NFL alang-alang sa PFU.
Kahit hindi pa natatapos ang panayam para magkasundo (conciliation conference), nagwelga na ang mga miyembro ng PFU.
Habang nagwewelga, idinemanda ng kompanya ang NFL pati na ang presidente nito at ang PFU ng danyos dahil sa ilegal na welga.
Kahit nagkasundo na sa pagbabalik sa trabaho makaraan ang tatlong buwan ng pagwewelga, pinatuloy pa rin ng kompanya ang kaso ng danyos laban sa NFL at Presidente nito ngunit iniurong ang kaso laban sa PFU at mga opisyal nito.
Makaraan ang paglilitis, napatunayan nga ng arbiter na ilegal ang welga at sinentensiyahan ang NFL at Presidente nito na magbayad ng danyos na umabot sa halagang P1.6 milyon. Tama ba ang tagahatol?
Tama ang tagahatol tungkol sa pagiging ilegal na welga. Ngunit mali ito na sentensiyahan ang NFL at Presidente nito ng danyos. Ang NFL ay ahente lamang ng PFU. Ito ay umaakto lamang alang-alang sa PFU, na siyang lokal na unyon sa kompanya. Kahit hindi pa nga nakakatupad ang PFU sa lahat ng kinakailangan upang maging legal na asosasyon, ito na ang kumakatawan sa mga empleyado sa pakikipag-usap sa kompanya. Bilang lokal na unyon sa kompanya ang PFU ay ang pinaka-prinsipal at ang NFL ay ang ahente lang nito. Ang PFU ang siyang nagwelga kayat ito ang dapat managot sa mga danyos. Noong nag-file ang NFL ng notice of strike, itoy ginawa nila bilang ahente at para lamang sa PFU na kanilang prinsipal. Kaya noong pinawalang-saysay ng kompanya ang kaso laban sa PFU, wala na ring saysay ang kaso laban sa NFL. (Filipino Pipe and Foundry Corp. vs. NLRC et. al. G.R. No. 115180 September 9, 1999)