'Echoes of the Heart' ni Vangie Pascual

Nagmula sa isang boses ang ideya ng libreng kasalan na ginanap sa parokya ng St. Francis sa Mandaluyong City kamakailan. Isang listener ng programang ‘‘Echoes of the Heart’ ng beauty queen-actress Evangeline Pascual ang nagmungkahi na magkaroon ng mass wedding para sa mga mag-asawang nagsasama na hindi kasal. Matagal na pinag-isipan ni Vangie ang mungkahi ng tagapakinig ng programa niya sa DWIZ 882 AM at nagpasya siya na magdaos ng libreng kasalan na itinaon sa 6th year anniversary ng ‘‘Echoes of the Heart’’ na napapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 3 to 3:30 p.m. at Sabado mula 2 to 4 p.m.

Hindi gawang biro ang proyekto ni Vangie. Matagal ang preparasyon. Marami siyang hiningan ng tulong gaya ng simbahang pagdarausan ng kasalan, mga papeles at marriage license, mga imbitasyon, mga kasuotan ng mga ikakasal, rehearsals ng mga ikakasal, gayak ng simbahan at pagdarausan ng salu-salo na ang catering ay sinagot kaagad ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na isa sa mga ninong ng 45 couples.

Natutuwang tingnan na may mga brides na buntis. May nagpapasuso ng baby. May karay na mga tsikiting. May isang couple na 15 taon nang nagsasama at noon lang nagpakasal at kasama nila ang kanilang mga anak na naging mga abay nila sa kasal.

Meron ding mga bagong tanan. Sinabi ng aking mga nakausap na wala silang perang gagastusin sa pagpapakasal kaya sinamantala nila at pinasasalamatan ang special offer ng radio program ni Vangie.

Show comments