Gulo sa AFP - masamang pangitain
March 20, 2001 | 12:00am
Hindi maganda ang nagaganap na kaguluhan sa Armed Forces of the Philippines. Papaanong magiging epektibo ang military sa pagganap ng tungkulin nito kung walang pagkakaisa ang mga namumuno nito? Sila-sila ay walang pagtitiwala sa isat isa kung kayat walang inaatupag kundi ang pagsisiraan at ang pananaig ng pansariling kapakanan.
Mabuti pa yata noong panahon ni dating President Erap, tahimik ang military at walang napapansing kaguluhan sa rank and file. Ang pamunuan ay nirerespeto at sinusunod. Kahit na si Erap na hindi masasabing ideyal at karapat-dapat na Commander-in-Chief ay hindi nagkaroon man lamang ng problema sa pakikitungo sa kabuuan ng AFP.
Hindi naman kaya walang katahimikan sa military ay sapagkat may mga grupu-grupo na ngayong nagpapakita ng kanya-kanyang gilas at impluwensiya. Lahat sila ay nagpapabida at ibinabandera ang kanilang lakas dahil sa ginawa nilang tulong at suporta sa pagkakaluklok kay President Gloria Macapagal-Arroyo.
Kung kayat nariyan ang mga katulad nina Gen. Angelo Reyes, Gen. Jose Calimlim, Rear Admiral Willie Wong, Gen. Ed Espinosa, Gen. Benjie Defensor at Gen. Diomedio Villanueva. Kasama rin dito si PNP Chief Director General Leandro Mendoza at ilang mga generals na kasama niya. Nanggaling din ang kontrobersya sa mga PMA graduates Batch 68, 69 at 70.
Ang mga ito ay ang mga nababanggit sa mga balita na sangkot sa mga intrigahan at siraan na nagaganap sa military ngayon na naging grabe simula nang maupo si GMA bilang Presidente. Ayaw kong paniwalaan na kaya lumakas ang loob ng mga opisyal na ito ay dahil sa hindi kaagad sinupil ni GMA ang paglalabanan ng mga general at bagkus pa nga raw ay may kinampihan pa diumano ang bagong Presidente.
Delikado ang katayuan ng ating bansa kapag pinatili ni GMA ang pagkakahati at intriga sa loob ng AFP. Dapat nang kumilos si GMA at ipadama niya na wala siyang kinikilingan at hindi niya papayagang gamitin ninuman ang military sa pansariling kapakanan. Ipakilala niyang siya ang tunay na Commander-in-Chief, ang pinagpipitagang puno ng Armed Forces of the Philippines.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest