Ayon sa ating bubuwit, happy birthday muna kay Fred Davis ng YES-FM 101.1; Ely Rulona ng Metrobank, Bert Villena at Katherine Chua.
Binabati ko rin sina Atty. Ding Arandia, VW Bon Chua, Bro. Francis Pineda ng LTO; Bro. Amador Reyes at Bro. Bernard Go.
Ayon sa aking bubuwit, kung umaalis ang nasabing opisyal sa kanyang opisina, inaakala ng kanyang mga staff na may meeting ito sa labas. Yun palay nagpupunta sa ibat ibang agency ng kanilang departamento at doon nakikipag-tong-its.
Nagsusugal siya during office hours.
Ito ay madalas magbabad sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at doon nakikipag-tong-its. Hindi na siya nahiya! Ang kapal mo sir!
Ayon sa aking bubuwit, kapag sinarapan pala itong government official sa pagto-tong-its ay inaabot sila ng madaling araw.
Ang ganitong pagsusugal ng government official at ilan niyang kasama ay bulgar sa kanilang mga empleado.Wala namang magawa ang mga security guards sapagkat mga bossing yung nagsusugal.
Pagka-nalaman ito ni President Gloria Macapagal-Arroyo tiyak na sa impiyerno pupulutin ang government official.
Ito ba ang ipinakikita nyo sa programa ng bagong administrasyon na leadership by example?
Oras ng trabaho ay nagsusugal kayo na kitang-kita pa ng mga staff ninyo. Ang kakapal nyo! Dapat sa inyo ay sibakin sa trabaho!
Kaya pala malakas ang loob nitong opisyal na mag-tong-its sa kanilang opisina ay dahil malakas daw siya kay Labor Sec. Patricia Sto. Tomas.
Totoo ba ito Madam Secretary? Kinukunsinti mo ba ang pagsusugal nitong bata mo?
At alam nyo bang hindi lang tong-its ang sugal ng government official? Siya ay nagka-casino rin.
At siya ay nami-mick-up din ng mga guwapong bagets sa isang mall sa Manila.
Naku Ttita, mahilig ka pala sa fencing. Miyembro ka pala ng federacion. Konting finess naman diyan, gaga!
Ayon sa aking bubuwit, ang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahilig palang magsugal ng tong-its during office hours ay si
Mabigat pala itong opisyal na ito, parang yung pinapasan ng mga nagpi-penetensiya tuwing Semana Santa.
Ito ay walang iba kundi si Asst. Sec. C.D. as in Call him Dick.