Sanggol na 'hino-hostage' ng Perpetual Help Medical Center (Part 2)
March 19, 2001 | 12:00am
Noong Biyernes ng gabi, nagtungo sa office ng Pilipino Star NGAYON sina Lucy de Jesus at Rose Lara, dalawang tauhan ng Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas City upang ibigay ang kanilang panig tungkol sa harassment at illegal detention sa three-month old baby boy na nalathala rito sa PSN noong March 16, 2001 issue. Ang sanggol ay "naka-hostage" este naka-confine sa nasabing ospital mula noong Dec. 22, 2000.
Bago natin pag-usapan ang panig na ibinigay nina De Jesus at Lara, ibig ko munang ipabatid ang sinabi ng isang hinayupak na staff ng accounting department ng Perapetual Helpless Medical Center este Perpetual na kaya raw nagpunta ang OK KA BATA! sa ospital ay dahil manghihingi lang daw ako ng pera. Masakit sa tenga ang sinabi ng hinayupak na staff pero ipinauubaya na kita sa aking anghel de la guwardiya.
Tuloy tayo sa subject matter, bigla yatang natauhan ang pamunuan ng Perapetual Help Medical Center este Perpetual, dahil sa hindi inaasahan ng OK KA BATA! na magbibigay na ng memorandum order si Finance Director Lucy de Jesus upang mailabas na ang sanggol na si Geoffrey Timothy Dalin.
Ipinaliwanag ni Mrs. De Jesus sa OK KA BATA! na biglang dumating ang guarantee letter mula sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagsasaad na P20,000 ang donasyon nito sa pamilya Dalin at ibabawas sa halagang P159,366.09 bill sa loob lamang ng tatlong buwan.
Kaya nananawagan ang OK KA BATA! kay Mrs. Levita Gabiliño, ina ni Kathleen Ross Dalin na magtungo na sa tanggapan ni Mrs. De Jesus upang makagawa na kayo ng promisory notes at nang mailabas na si Geoffrey.
Sa mga kaanak o kaibigan ni Levita Gabiliño at pamilya Dalin, kung sakaling matunghayan ninyo ang column na ito, ipagbigay-alam na lang kay Kathleen ng Block 9 Lot 9 Pag-ibig Homes, Las Piñas City na maaari nang mailabas si Geoffrey sa lalong madaling panahon.
Muli ko na namang pangungunahan ang mga kaalyado, supporters, partikular ang mga staff ng Perapetual este Perpetual at ganoon din ang pamilya ni Tony Tamayo na baka paghinalaan ninyong isa ang OK KA BATA! sa demolition team ng kalaban nyo sa politika, nagkakamali kayo. Walang bahid politika ang isyung ito. Si Tony Tamayo kasi ay congressional candidate.
Inamin ni PR Director Rose Lara na pansamantalang hindi muna ipinaabot sa kaalaman ng matandang Dr. Jose Tamayo ang unang bahagi ng column na ito na may pamagat na "Sanggol hino-hostage sa nasabing ospital" dahil may sakit umano ang matanda.
Nagtataka naman ang OK KA BATA! sa Perapetual este Perpetual bakit pinaabot pa ninyo ng malaking halaga ang bill ni Geoffrey samantalang inorderan na ito ni Dr. Marian Colasito ng discharge order dahil malakas na raw ang bata may dalawang buwan na ang nakalilipas.
Hindi ko tuloy lubos-maisip na may itinayong "Jonelta Foundation" ang Tamayo family para sa lahat ng residente ang Las Piñas City na binibigyan ng P67 per day at free prof. fees sa nasabing ospital pero itong kaso ni Geoffrey ay malaking misteryo.
Katulad ng sinabi ng OK KA BATA! si Dr. Jose Tamayo, ama ni Tony ay malapit sa puso ng Pilipino Star NGAYON ngunit sa mga kabulastugan ng kanyang staff ay nababahiran tuloy ng masamang imahe ang mga kabutihang ginawa ng matanda.
Nagpapasalamat naman ang OK KA BATA! sa dalawang butihing tauhan ni Tony Tamayo na maipapalabas na ang sanggol na "naka-illegal detention este naka-confine sa nursery section ng nasabing ospital. Mabuhay kayo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended