^

PSN Opinyon

Bakit namamayagpag ang mga buktot na kriminal?

-
Nanlamig ang gobyerno sa bitay. Dahil diya’y namamayagpag na naman ang aktibidades ng mga hinayupak na rapist murderers.

Nagpipiyesta rin mga tsong ang mga kidnapers na matapos bayaran ng ransom money ay tinitigok pa rin ang kanilang mga biktima.

Ang buktot na panghahalay at pagpaslang kay Claudine Feliciano ay nagpapagunita sa atin sa nakapanghihilakbot na Vizconde Massacre. Ibig sabihin, wala nang takot ang mga heinous criminals sa umiiral na batas sa bansa.

Kawing-kawing na ang mga nagaganap na karumal-dumal na krimen kabilang na ang pangingidnap at pagpaslang sa magkasintahang estudyante ng University of the Philippines.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin ang misteryosong pagkawala ng PR expert na si Bubby Dacer at ng kanyang driver bago mapatalsik sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada, at hinihinala na ang dalawa’y ginutay-gutay na ang katawan at itinapon sa dagat upang hindi na matagpuan.

At kahit sabihin pang may mga suspect na sa krimeng ito na kasapi pa umano ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force, marami ang may nagdududa na matutulad lamang ang kasong ito sa marami pang krimen na walang nanagot hanggang sa tuluyang nilimot ng panahon.

Nakikita kasi ng mga kriminal na nanlalamig sa pagpapatupad ng parusang bitay ang gobyerno.

Noong Pangulo pa si Estrada kamakailan, nagpalabas siya ng direktiba na pumipigil sa pagbitay sa mga kriminal na takda na sanang humimlay sa lethal injection bed dahil daw sa "Jubilee Year".

Tahasan pang nagsalita si Estrada noon na iendorso niya sa Kongreso ang pagpapawalang-bisa sa batas sa death penalty.

At ngayong pumasok na ang administrasyong Arroyo, hindi man tahasang nagsalita ang bagong Presidente laban sa bitay, ang kanya namang ayudanteng si Justice Secretary Nani Perez ang nagsabing walang bitay na ipatutupad sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Siyempre pa lumalakas ang loob ng mga kriminal.

Sa simula’t simula’y katig ako sa bitay bilang parusa sa mga kriminal na tila wala nang kaluluwa sa kalupitang ipinalalasap nila sa kanilang mga biktima.

Hindi tayo kumakatig sa bitay dahil galit tayo sa taong bibitayin. Nais lamang nating maging pansawata ito sa intensyon ng iba pang kriminal na gumawa ng kabuktutan laban sa kanilang kapwa.

Tutol man ang ilang sekta ng relihiyon at iba pang organisasyon sa bitay, mananatili tayong sumusuporta sa parusang ito upang mapangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga taong sumusunod sa batas.

Ang buhay ay kaloob ng Diyos, tama iyan. Pero hangga’t may ibang taong nagsasapanganib sa buhay ng nakararami, dapat puksain ang mga bantang iyan. At iyan ay responsibilidad ng pamahalaan.

Di ba’t si Jesu-Cristo ang nagsabi, kung ang kamay ang dahilan ng pagkakasala’y putulin ito? Siya rin ang nagsabing ang nabubuhay sa tabak ay sa tabak din mamamatay.

vuukle comment

BITAY

BUBBY DACER

CLAUDINE FELICIANO

JUBILEE YEAR

JUSTICE SECRETARY NANI PEREZ

NOONG PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with