PILANTIK - Pag-unlad ang hangad
March 18, 2001 | 12:00am
Sa pagtula-tula at pagsulat-sulat
pag-unlad ng bansa ang tangi kong hangad,
ang hangaring itoy isa nang paglingap
na mula sa puso ay alay kong tapat!
Tapat na layunin ngayoy isasalang
sa Mayo 14 Araw ng Halalan,
aking hihilingin sa ating sambayanan
ang botoy ibigay sa marapat lamang.
Sa mga alkaldeng sa atiy lalapit
Kilatisin muna nang hindi tumangis;
ang iboto natiy hindi lang makisig
kundi yaong tapat na mag-public service!
Sa mga candidate sa pagka-congressman,
piliing mabuti manok na palaban;
hindi bat marapat na ating samahan
may mga prinsipyo at tapat sa bayan?
Sa mga may nais na maging senador,
ang ihalal natiy nasa sumang-ayon
na buksan ang sobre nang upang matugon
mga katanungan sa impeachment noon.
Nariyan si Drilon at si S. Osmeña,
Magsaysay at Flavier, Recto at Herrera
si Joker, si Kiko saka ang iba pa
na nagsakripisyot nagmartsa sa EDSA!
pag-unlad ng bansa ang tangi kong hangad,
ang hangaring itoy isa nang paglingap
na mula sa puso ay alay kong tapat!
Tapat na layunin ngayoy isasalang
sa Mayo 14 Araw ng Halalan,
aking hihilingin sa ating sambayanan
ang botoy ibigay sa marapat lamang.
Sa mga alkaldeng sa atiy lalapit
Kilatisin muna nang hindi tumangis;
ang iboto natiy hindi lang makisig
kundi yaong tapat na mag-public service!
Sa mga candidate sa pagka-congressman,
piliing mabuti manok na palaban;
hindi bat marapat na ating samahan
may mga prinsipyo at tapat sa bayan?
Sa mga may nais na maging senador,
ang ihalal natiy nasa sumang-ayon
na buksan ang sobre nang upang matugon
mga katanungan sa impeachment noon.
Nariyan si Drilon at si S. Osmeña,
Magsaysay at Flavier, Recto at Herrera
si Joker, si Kiko saka ang iba pa
na nagsakripisyot nagmartsa sa EDSA!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended