^

PSN Opinyon

Gen. Mendoza kaya mo ba si Val Adriano?

-
Maliwanag na hindi kayang ipasara ni acting Philippine National Police (PNP) Chief Deputy Director General Leandro Mendoza itong mga puwesto ni Metro Manila jai alai bookies King Val Adriano. Nitong mga nagdaang mga araw, na-monitor kong masaya pa at malakas tumaya sa karera at sabong itong si Adriano habang patuloy ang pag-akyat ng salapi ng kawawang mamamayan sa illegal niyang trabaho na hindi man lamang binibigyan pansin ni Mendoza.

Kahit tumatalsik ang laway sa galit na ipinasisigaw ni Mendoza na ipapasara niya ang jueteng at iba pang mga sugal sa bansa, mukhang hindi apektado sina Adriano at ang kanyang mga amo na magkapatid na Vic at Alex Yu. Ang Yu brothers, para sa kaalaman ni Mendoza ay mga alipores ng kaibigan ng napatalsik na Presidenteng Joseph Estrada na si Charlie ‘‘Atong’’ Ang. Kung walang binatbat itong si Mendoza laban sa puwersa, makinarya at padrino nitong si Adriano, itong Task Force Jericho ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Supt. Raul Castañeda, ay may ibubuga kaya?

Natunghayan ko ang service record nitong si Castañeda at wala akong masilip na problema. Pero sa pagkaalam ko, kung laban sa kriminal, itong si Castañeda ay mabagsik at mabangis pero kung si Adriano kaya at ang salapi niya ang kanyang makakaharap baka tumiklop siya. Kung sabagay, itong kautusan ni Mendoza laban kay Adriano ay mula rin kay Interior Secretary Joey Lina kaya’t baka doon na mismo galing sa opisina ng dating Laguna governor ang posas kung bakit hindi magalaw-galaw itong bookies king ng Metro Manila.

Sa bahay kasi ni Adriano sa Makati City at San Andres, Manila pinapadala ang lahat ng panabla ng mga kabo ng jai alai sa Metro Manila. Sa pagmani-obra ng Yu bro-thers, dinadaya nila ang labas ng winning combination ng jai alai sa fronton nito sa Maynila. Pilyo rin itong si Adriano. Para wala na siyang iisipin pa, itinaas niya ang porsiyento sa kanyang laban para nga hindi na siya magbibigay ng intelihensiya. Kaya’t maraming units ng pulisya tulad nina Gaton at Rey ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang humahabol ngayon kay Adriano.

Teka nga di ba abo’t langit din ang sigaw ni Chief Supt. Nestor Gualberto ng PNP CIDG na wala silang operasyon laban sa illegal gambling. Bakit nag-iikot sina Rey at Gaton. Gen. Gualberto, Sir?

At habang pangiti-ngiti itong si Adriano at Yu brothers sa sabungan, hindi rin sila pinapansin ni Supt. Ric Dapat, ng CIDG National Capital Region (NCR).

ADRIANO

ALEX YU

ANG YU

CASTA

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ITONG

MENDOZA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with