KRUSADA - Ibalik ang EIIB
March 18, 2001 | 12:00am
Nakalulungkot ang kalagayan ng mga kawani ng Economic Intelligence and Investigation Bureau (EIIB) at ito ay isa sa mga hinaing na aking ihaharap kay President Gloria Macapagal-Arroyo. Ang EIIB ay katulong na ahensiya ng pamahalaan na sumusugpo sa katiwalian, nagbabantay laban sa smuggling at iba pang mga ilegal na paraan sa pagpapasok at paglalabas ng mga kalakal sa bansa.
Ang EIIB ay punong ahensiya ng anti-smuggling action center (ASAC), na binuo noong Pebrero 24, 1966, sa ilalim ng tanggapan ni dating Presidente Ferdinand Marcos, upang labanan ang dumaraming kaso ng smuggling sa bansa.
Sa kabuuan, halos 34 na taon na ang paglilingkod ng EIIB sa taumbayan, hanggang sa pagkakabuwag nito noong January 7 noong nakaraang taon sa bisa ng Executive Order no. 191 sa utos ni dating President Erap.
Sinasabing binuwag daw ang ahensiya dahil sa marami raw itong nasagasaan sa pagpapatupad ng mga tungkulin nito laban sa mga tiwaling gawain ng ilang maimpluwensiya at mayayaman sa ating lipunan.
Sa isang liham kay GMA mula sa Buklod ng Kawaning EIIB (BKE), ipinararating nito ang hinaing ng mga kawani ng EIIB, at sinasabing hindi rin makatarungan ang pagwawalang-bisa nito ni Erap, dahil sa paglabag nito sa sinasabing security of tenure ng mga kawani ng gobyerno, na nasasakop din ng ating Saligang-Batas.
May mga ilan ding mga kasapi ng EIIB na nagbunyag ng mga iregularidad sa pagpapatupad ng tungkulin ng nasabing ahensiya, upang magbigay-daan lamang sa kagustuhan ng ilang mga ma-impluwensiya at makapangyarihan sa ilalim ng dating pamahalaan.
Mula sa sari-saring pagbubunyag na ibinigay ng napakaraming saksi sa impeachment trial, malinaw na batbat ng katiwalian at kabulukan ang pamahalaang Estrada.
Sa pakiusap ng BKE kay GMA, idinagdag pa nito na hindi mahirap ibalik ang hanapbuhay ng mga kawani ng EIIB sa muling pagbibigay ng bisa at kapangyarihan dito. Dahil sa nabuwag ang EIIB bunga ng executive order lamang na hindi pinasinayaan ng Kongreso, kahit anong oras ay kayang buhayin ni GMA ang EIIB.
The government must reactive the EIIB, not only to save the jobs of its employees, but also to check smuggling activities in the country. Sayang ang expertise ng mga tao ng EIIB. Kailangan ito ng ating pamahalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended