Dagdag-bawas II ?
March 17, 2001 | 12:00am
Nangangamba si ex-Bulacan governor Obet Pagdanganan na sa darating na eleksyon ay baka maulit ang kinatatakutang dagdag-bawas.
Ito ay kung patuloy na mapipigil ang ipinapanukalang espesyal na rehistrasyon ng may 4 na milyong kabataan para makaboto sa nalalapit na halalan.
Krusyal ang boto ng mga kabataang ito. Ang kabataan ay hindi maaaring bilhin. Matalino sila at boboto ayon sa kanilang paninindigan at prinsipyo.
Si Pagdanganan ay kandidato sa pagka-senador ng Peoples Power Coalition. Pangalawa na niyang pagtatangka ito sa Senado at marami ang naniniwalang kung hindi dahil sa buktot na taktikang dagdag-bawas malaon nang naging Senador si Obet.
If theres a will, theres a way. Sinasabi ng COMELEC na mababalam ang eleksyon sa Mayo kung itutuloy ang special registration. Ngunit si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo mismo ang naggigiit na ituloy ang rehistrasyon ng mga kabataang botante. At may katuwiran siya.
Ang oposisyon ay mahigpit na tumututol sa panukala ng Presidente na magdaos ng special session ang Kongreso para mapagtibay ang special registration.
Batid kasi ng oposisyon na malaking partida para sa ruling coalition ang pagboto ng mga kabataang ito.
Ngunit isaisantabi natin ang politika. Huwag na nating gawing argumento kung aling partido politikal ang makikinabang sa rehistrasyon ng mga bagong botanteng kabataan.
Ang puntos ditoy ang pagbibigay daan sa konstitusyunal na karapatan ng bawat taong nasa wastong edad na makaboto.
Isang demokratikong proseso ang halalan. Kung may mga karapatang nasisiil, hindi mainam sa panig ng pamahalaan na ipagwalang-bahala na lamang ito lalo pat puwede namang gawan ng paraan.
Kaya nauunawaan natin ang paninindigan ng administrasyong Arroyo na maitaguyod ang special registration. Ngunit ang mga kalaban sa politika ng administrasyon ay binabahiran ito ng kulay.
Kung sadyang makasasagabal ang special na rehistrasyon sa napipintong halalan, e di huwag nang ituloy. Ang importante ay kumilos ang gobyerno para sikaping maidaos ito.
At dumadalangin akong matuloy ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am