^

PSN Opinyon

Bagong boss sa SSS

-
Isang simpleng tao na may malaking puso para sa mahihirap si Vitaliano Nanagas II, ang ika-13 pinuno ng Social Security System (SSS) sapul ng itatag ito noong 1957.

Si Nanagas 52, ay isang prominenteng investment banker na malawak na ang karanasan.

Sa kanyang pagsumpa bilang bagong boss ng SSS sinabi niya na hindi lamang niya pagtutuunan ng pansin ang mga benepisyo ng SSS member kundi tutulong din siya sa pamahalaan ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa mga programang pangkaunlaran ng bansa.

Sinabi niya na may mga panuntunan sa buhay siyang sinusunod at kabilang dito ang palagiang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang tinatamo. Binigyan-diin niya na kailanman ay hindi dapat na maging mapagmataas at dapat na maging pantay ang tingin sa lahat, maging mayaman o mahirap. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon dahil ang lahat ay nilikhang pantay-pantay ng Diyos.

Si Nanagas ay naglingkod din sa sangay ng Citibank sa New York at naging hepe ng Philippine Deposit and Insurance Corporation. Marami na siyang natamong parangal at kabilang dito ang Papal Award (Knight of the Pontifical Order Of St. Sylvester) na iginawad sa kanya ni Jaime Cardinal Sin.

DIYOS

JAIME CARDINAL SIN

KNIGHT OF THE PONTIFICAL ORDER OF ST. SYLVESTER

NEW YORK

PAPAL AWARD

PHILIPPINE DEPOSIT AND INSURANCE CORPORATION

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SI NANAGAS

SOCIAL SECURITY SYSTEM

VITALIANO NANAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with