Dito raw kasi kukuha ng pondo ang mga kamoteng pulitiko habang kasagsagan ng kampanya.
Hindi puwedeng basta na lamang patigilin ang mga gambling lord ngayon sa kanilang kubransa kasi alam na alam nilang kailangan ng mga hunghang na kandidato ang kanilang tulong pinansyal.
Totoo mga readers, ang nasa isip ninyo ningas-kugon ang kampanya ng PNP at DILG sa jueteng at iba pang uri ng sugal na mamamayagpag ngayon sa lahat ng sulok ng Pilipinas?
Puro praise release lang ang PNP. Si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson naman ay parang nakikipaglokohan din sa bayan?
Kung talagang totoo ang pangako nilang kampanya na burahin ang illegal na sugal bakit imbes na matigil ay lalo itong lumala?
Mas masaya ang laban ngayon inalis na raw ang no take policy.
Kanselado ang slogan ni Ping, pinalitan daw ng take it away para everybody happy mas marami ang nakikinabang. Basta walang bukulan! Tama ba, Atong Ang?
Tip ng mga kuwago ng ORA MISMO kay DILG Secretary Joey Lina sa likuran ng tanggapan mo ay may jueteng. Sa likuran bakuran ng opisina mo acting PNP bossing Larry Mendoza ay may jueteng din. Hindi lamang ito kundi maging sa loob ng opisina mo at iba pang division ng PNP sa loob ng Crame ay matindi ang kubrahan ng ending at jai alai?
Parang naniniwala ang mga kuwagong ORA MISMO sa kinakanta ni Ang See na bakit si Larry Boy? Ang dami namang mas qualified dito.
Huwag na nating pag-usapan ang pagka-sugarol ni Larry Boy porke totoo ito, este, mababaw ang ebidensiya, sabi ng kuwagong maninipsip ng tahong sa baba.
Nagbago na si Colonel este General pala. Hindi na ito gaanong nagbababad sa sugalan, sabi ng kuwagong Kotong Cop.
Totoo bang P3 million ang kinuha mo kay Bong Piñeda para bayaran ang utang mo sa casino? tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Alam mo pala huwag ka ng maingay, inis na kamot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kala ko ba bawal na ang jueteng?
Mas masarap nga, eh!
Ang ano?
Ang bawal.