^

PSN Opinyon

Anak sa pagkakamali

-
Si Carina ay isang 16 anyos na taga barrio na napilitang magtrabaho sa isang canteen bilang isang live-in waitress. Ito lang ang trabahong kaya niya dahil tapos lang siya ng elementarya.

Isang gabing siya’y natutulog na, naramdaman na lang niyang may katabi siya. At pagmulat ng kanyang mata, nakita niya si Redentor, ang bayaw ng may-ari ng canteen. Sa kabila ng paglaban ni Carina at tangkang pagsigaw, nanaig pa rin si Redentor at siya’y ginahasa nito. Napilitang magdemanda si Carina ng rape noong siya’y nabuntis.

Sa paglilitis na tumagal hanggang siya’y nakapanganak, sinabi ni Carina ng malinaw, tiyak at walang duda ang ginawa sa kanya ni Redentor. Bilang depensa, sinabi ni Redentor na hindi raw niya ginahasa si Carina. Kusa raw itong nakipagtalik sa kanya sapagkat sila’y magkasintahan.

Matapos ang paglilitis, hinatulan si Redentor na nagkasala at sinentensiyahan ng kamatayan ng mababang hukuman. Inutos din na kilalanin niya at suportahan ang anak ni Carina na bunga ng kanyang panggagahasa. Tama ba ang mababang hukuman?

Tama ang mababang hukuman sa desisyon nitong nagkasala si Redentor ng rape. Hindi kapani-paniwala ang kanyang kuwento na sila’y magkasintahan ni Carina. Wala man lang siyang maipakitang litrato, sulat o anumang alaala na sila’y magkasintahan. Bukod dito, kahit magkasintahan sila, hindi nangangahulugang kahit ano’y magagawa niya kay Carina at pilitin itong makipagtalik sa kanya. Ang pag-ibig ay hindi lisensiya sa paggawa ng kamalian.

Ngunit mali ang mababang hukuman sa pag-utos kay Redentor na kilalanin ang anak ni Carina bilang anak niya. Si Redentor ay may-asawa na. Ito ay ang kapatid ng may-ari ng canteen. Ang isang may-asawang nagkasala ng rape ay hindi mauutusang kilalanin ang anak sa pagkakamali. Ang maipag-uutos lang sa kanya ay suportahan ito.

Mali rin ang mababang hukuman na hatulan ng kamatayan si Redentor. Karaniwang rape lang ang nagawa niya. Kaya reclusion perpetua lang o 40 anyos sa bilangguan ang dapat na sentensiya sa kanya. (People of the Philippines vs. Manahan G.R. No. 128157 September 19, 1999).

CARINA

LANG

MANAHAN G

NIYA

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

REDENTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with