^

PSN Opinyon

Kasapakat di-kasabwat

-
Naakusahan si Nanding ng murder bilang kasabwat nina Jim at Ferdie at Ed sa pagpatay kay Leo. Siya at si Jim ang nilitis sa hukuman dahil hindi nahuli sina Ed at Ferdie.

Isang nakasaksi sa krimen ang tumestigo laban kay Nanding. Sinabi nito na nakita niya si Nanding sa loob ng kotse ni Leo kasama si Jim, Ed, at Ferdie. Pagkaraan, pinalo sa ulo si Leo habang mainit na ang alitan at hinila ni Ed palabas ng kotse saka binaril.

Sa kanyang salaysay sa pulisya, sinabi ni Nanding na barkada nga niya sina Jim, Ed, at Ferdie. Noong natulog siya sa bahay nina Ed, sinabi nito na "uunahan na niya si Leo". Pagkaraan inutusan siya ni Ed na sunduin si Ferdie samantalang sila ni Jim ang maghahatid sa girlfriend ni Ed. Matapos ito, nagkita sila muli sa bahay ni Ed at nananghalian. Pagkakain na sila pumunta sa bahay ni Leo. Armado noon sina Ed, Jim at Ferdie. Pagdating sa bahay ni Leo sa isang subdivision, naiwan daw siya sa labas bilang bantay, samantalang kinausap ng tatlo si Leo. Nagkaroon ng alitan sina Ed at Leo at hindi naawat ni Jim si Ed. Sinipa nito si Leo at pinaputukan ng .38 caliber sa ulo. Habang hinahatak ni Ed ang bangkay ni Leo, sinabihan daw siya ni Jim na tumakbo na. Ngunit nahuli pa rin siya ng security guard.

Batay sa testimonyang ito, nasentensyahan ng mababang hukuman si Nanding na may sala ng murder bilang isang kasabwat (conspirator) sa pagpatay kay Leo. Tama ba ang mababang hukuman?

Mali.
Kasapakat (accomplice) lang si Leo. HIndi siya kasabwat dahil walang katunayang may sabwatan sila nina Ed, Jim, at Ferdie. Ang presensya ni Nanding sa pinangyarihan ng krimen ay hindi nangangahulugang kasabwat siya. Bagamat nalaman niya ang masamang balak ni Ed at nakita niyang armado ang mga ito, ang naging partisipasyon niya ay bilang bantay lamang dahil kahiyaan na. Dahil nasa pinangyarihan siya ng krimen at nagbabantay, hindi masasabing siya’y walang sala. Pero ang sala niya ay bilang kasapakat lang at hindi kasabwat.

Ang isang kasabwat ay kasama sa pagbabalak. Ang kasapakat ay hindi kasamang nagpasya sa balak ngunit napag-alaman lang niya ito, at nakisama siya. Ang kasapakat ay hindi nagpapasya na gawin ang isang krimen. Tumutulong lang siya. Ang kasabwat ang siyang gumawa ng krimen samantalang ang kasapakat ay pawang kasangkapan lang na gumawa ng hakbang na di kailangang-kailangan sa paggawa ng krimen. (Pp vs. De Vera et. al. G.R. 128966, Aug. 18, 1999)

DE VERA

FERDIE

JIM

KASABWAT

LEO

NANDING

NIYA

PAGKARAAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with