Ang naturang proyekto ay itinaon sa 4th Charter Anniversary ng Rotary Club Makati Bonifacio District 3830. Ayon kay Dr. Dischoso, karamihan sa mga batang nabubulag ay mga mag-aaral sa mga public schools sapagkat hindi nila nalalaman na may diperensiya sila sa paningin. Napag-alaman na 28 milyong mag-aaral ang hindi nabibigyan ng visual screening.
Marami ring bata mula sa Payatas, Quezon City ang sinuri ng mga volunteers optometrist at opthalmologist at nalamang sila ay may refractive errors gaya ng myopia at hyperopia. Sumailalim sila sa pagsusuri para sa kanilang salamin at contact lenses.
Ayon sa Rotarian na si Gigi Balagtas, marami ng outreach programs ang isinagawa ng kanilang club sa mga mahihirap sa Makati, Quezon City, Laguna, Cavite, Nueva Ecija at iba pang lugar at kaugnay ng kanilang Eye-Cue Test project na inilunsad noong Agosto 2000. Karamihan sa mga bata ay may katarata na ang pangunahing dahilan ay ang malnutrisyon, infection (bacterial and viral) at trauma.
Sinabi naman ni Marian Lucy Guzman, pangulo ng samahan na ang kakulangan ng programa ng pamahalaan para sa eyehealth ng mga school children ay malaking hadlang kaya ang samahan nila ay nakikipag-coordinate sa ibat ibang NGOs, sponsors at donors, mga kompanya na gumagawa ng ophthalmic lenses, frames, contact lenses. Malaki rin ang tulong ng Resources for the Blind Inc. sa proyekto. Dalawa pang aktibong Rotarians, sina Rosanna Hwang at Marilyn Lutag ang nagsabi na ang World Council of Optometry sa pamamagitan ng mga optometry colleges and universities sa Asia, US at Europe ay magpapadala ng mga experts sa Pediatric Optometry na magtuturo at magsasanay sa ating mga clinicians, residents at volunteers doctors para sa kanilang "Eye-cue test project.