^

PSN Opinyon

'Eye-cue test' project

-
Alam ba ninyo na 60 batang Pilipino ang nabubulag bawat linggo? Ito ang ipinahayag ni Dr. Menchie Abesamis Dischoso, isang leading optometrist, sa paglulunsad ng ‘‘Eye-cue test’’ project na ginanap sa Metro Club, Makati City, kamakailan.

Ang naturang proyekto ay itinaon sa 4th Charter Anniversary ng Rotary Club Makati Bonifacio District 3830. Ayon kay Dr. Dischoso, karamihan sa mga batang nabubulag ay mga mag-aaral sa mga public schools sapagkat hindi nila nalalaman na may diperensiya sila sa paningin. Napag-alaman na 28 milyong mag-aaral ang hindi nabibigyan ng visual screening.

Marami ring bata mula sa Payatas, Quezon City ang sinuri ng mga volunteers optometrist at opthalmologist at nalamang sila ay may refractive errors gaya ng myopia at hyperopia. Sumailalim sila sa pagsusuri para sa kanilang salamin at contact lenses.

Ayon sa Rotarian na si Gigi Balagtas, marami ng outreach programs ang isinagawa ng kanilang club sa mga mahihirap sa Makati, Quezon City, Laguna, Cavite, Nueva Ecija at iba pang lugar at kaugnay ng kanilang ‘‘Eye-Cue Test’’ project na inilunsad noong Agosto 2000. Karamihan sa mga bata ay may katarata na ang pangunahing dahilan ay ang malnutrisyon, infection (bacterial and viral) at trauma.

Sinabi naman ni Marian Lucy Guzman, pangulo ng samahan na ang kakulangan ng programa ng pamahalaan para sa eyehealth ng mga school children ay malaking hadlang kaya ang samahan nila ay nakikipag-coordinate sa iba’t ibang NGO’s, sponsors at donors, mga kompanya na gumagawa ng ophthalmic lenses, frames, contact lenses. Malaki rin ang tulong ng Resources for the Blind Inc. sa proyekto. Dalawa pang aktibong Rotarians, sina Rosanna Hwang at Marilyn Lutag ang nagsabi na ang World Council of Optometry sa pamamagitan ng mga optometry colleges and universities sa Asia, US at Europe ay magpapadala ng mga experts sa Pediatric Optometry na magtuturo at magsasanay sa ating mga clinicians, residents at volunteers doctors para sa kanilang "Eye-cue test’’ project.

AYON

BLIND INC

CHARTER ANNIVERSARY

DR. DISCHOSO

DR. MENCHIE ABESAMIS DISCHOSO

EYE-CUE TEST

GIGI BALAGTAS

MAKATI CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with