Ayon sa ahente, mayroon ngang diperensiya ang kuntador at kailangan itong tanggalin. Sa madaling salita, napalitan ng bago ang aming kuntador.
Ngayon ay pilit na sinisingl sa akin ng kompanya ang bagong kuntador.
Ang sa akin lamang, hindi bat karapat-dapat lamang na palitan nila ang kuntador ng walang bayad dahil sa kanila naman kami kumukuha ng tubig?
Ayaw kong bayaran ang bagong kuntador at dahil dito, pinagbantaan ako ng supplier na kung hindi ko raw babayaran ang kuntador puputulin nila ang supply ng aking tubig, may katwiran po ba sila. POL LEAÑO, Metro Manila
Nais ko lamang maliwanagan kung saang subdibisyon dito sa Metro Manlia ka nakatira dahil mayroong dalawang kompanya ng tubig sa Metro Manila. Ang Manila Water Company sa East zone at ang Maynilad sa West zone.
Kung ang iyong tirahan ay nasa pamamahala ng East zone, kailangan mong bayaran ang replacement ng iyong water meter. Ang kompanya ay magbibigay lamang ng serbisyong patubig kung kayat wala kang metro ay wala ka ring dadaloy na tubig sa iyong pamamahay. Kung kailangan mo ng replacement babayaran mo ito. Hindi mananagot ang kompanya rito.
Kung ang iyong subdibisyon naman ay nasa West zone, ang water meter ay binabayaran lamang ng isang beses. Ito ay sabay ng pagkuha ng aplikasyon sa patubig. Kasama sa babayaran ang connection fees at kung magkano ang water meter. Kpag ito ay kailangang palitan dahil sa kalumaan nito, ito ay papalitan ng libre, ngunit kung ito ay ninakaw, magbabayad ang consumer.