Huling baraha ni Erap
March 7, 2001 | 12:00am
Si dating First Lady Dr. Luisa Loi Ejercito ang sinasabing huling baraha ni dating President Joseph Estrada.
Isa si Loi sa 13 kandidato sa pagka-senador ng Oposisyon at marami ang nagsasabi na malakas ang tsansa na mapasama sa first five senators sa May election. Bugbog-sarado si Erap kay Loi na larawan ng isang martir na maybahay ay siya nyang ilalaban.
Aminado si Loi na ayaw niyang pumasok sa pulitika subalit sa bandang huli ay nahikayat na rin para pagbigyan ang mga sumusuporta sa kanya. Batid ng marami na napilitan si Loi na pumalaot sa pulitika bunsod na rin ng sulsol ni Erap na kung baga sa isang boksingero ay lupaypay na at hirap nang makabangon pa.
Last card na ni Erap si Loi na sunud-sunuran sa bawat gusto niya. Plataporma ni Loi na kanyang ipagpapatuloy ang naunsiyaming programa ni Erap para sa mahirap. Malaki na rin ang naging kontribusiyon niya sa larangan ng serbisyo publiko. Taumbayan ang nagpatalsik kay Erap. Taumbayan din ang huhusga kay Loi sa halalan sa Mayo 14.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am