Jueteng ni Magbuhos talamak na talamak !
March 7, 2001 | 12:00am
Kung seryoso si acting PNP chief Deputy Director General Leandro Mendoza na ipasara itong jueteng sa buong bansa, dapat pagtuunan niya ng pansin itong lugar ng pinamumugaran ni Charing Magbuhos ng Southern Tagalog.
Sinabi ng aking espiya na kahit naglalaway sa pag-utos itong si Mendoza na isara ang jueteng operation sa bansa, ito namang si Magbuhos ay patuloy ang operasyon at nakapagtataka na hindi siya pinapansin ng pulisya. Ang pangunahing dahilan; kumpleto umano siya sa intelihensiya.
Sa ganang akin, hindi naman siguro magyayabang itong si Magbuhos kung walang katuturan ang kanyang pinagsasabi. Ibig kong sabihin may hawak siyang alas kayat matapang siyang magsalita. Hinahamon kaya ni Magbuhos ang kakayahan ni Mendoza?
Kung tahimik itong si Mendoza laban kay Magbuhos, ganoon na rin itong hepe ng PNP sa Quezon na si Supt. Charlemagne Alejandrino. May lagay din kaya siya?
Ang malakas na kubransa ni Magbuhos ay matatagpuan sa Lucena, Candelaria at Tiaong. Umaabot umano ang ruta niya sa halagang P1 milyon kada bola. Eh, tatlong beses kung magbola si Magbuhos kaya tumataginting na P3 milyon ang nilalabanan niya araw-araw.
Pero may pangako si Mendoza na ipapaskil niya sa isang scoreboard sa Camp Crame ang mga probinsiya na talamak pa ang jueteng sa darating na mga araw. Kung hindi mapasama ang Quezon, nangangahulugang tama ang pagyayabang ni Charing Magbuhos. Sa tingin ko naman hindi basta-basta maipasasara itong si Magbuhos kung pulisya lang ang kikilos. Di ba may responsibilidad din dito ang mga local government officials? Eh mga ilang araw na lamang at elections na.
Sino namang gobernador at mayor ang kikilos laban kay Magbuhos eh doon sila kumukuha ng pondo sa kanilang pangangampanya? Kayo diyan sa Quezon, kung may pa-jueteng pa sa inyong lugar palitan nyo kaagad ang inyong mga opisyales. Tiyak sangkot sila kay Magbuhos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended