Isang araw, nang siyay bumisita sa isang kustomer ng kompanya na gamit ang sasakyan ng kompanya, pinakiusapan niya ang driver na ihatid muna siya sa lugar kung saan siyay tumitingin ng matitirhan. Dahil bumabagyo noon nabagsakan ng poste ang sasakyan at itoy nasira.
Sinabi ng driver sa imbestigasyon ang lahat ng pangyayari at naniwala naman ang management at hindi na dininig pa ang panig ni Lina. Magmula noon itinalaga ng kompanya sa vegetable section si Lina kung saan ang naging trabaho niyay parang isang alila na lamang na nagbabalat ng sibuyas, patatas at iba pa.
Dahil dito hindi na siya nagreport sa trabaho at idinemanda niya ang kompanya ng constructive dismissal.
Ayon naman sa kompanya, hindi naman nila dinismis si Lina kundi inilipat lang ng puwesto dahil na rin sa hindi ipinaalam sa kanila na gagamitin niya ang sasakyan para sa personal na bagay. Nawalan na raw sila ng tiwala kay Lina. Tama ba ang kompanya?
Mali. Bagamat karapatan ng kompanya na maglipat ng empleyado sa ibang puwesto, hindi dapat abusuhin ang karapatang ito. Kailangang maipakita ng kompanya na itoy makatwiran at hindi maka-peperwisyo at maka-aabala sa empleyado. At itoy hindi nagpapababa ng katayuan o ranggo ng empleyado.
Sa kasong ito ang pagkakalipat ng kompanya kay Lina mula food technologist patungo sa vegetable section ay parang paghamak at paghiya sa kanya. Itoy isang constructive dismissal.
Kaya dapat ibalik ng kompanya si Lina, sa kanyang puwesto bilang food technologist at bayaran lahat ang backwages. (Blue Dairy Corp. et. al. vs. NLRC et. al. G.R. No. 129843 September 14, 1999)