^

PSN Opinyon

Food technologist ginawang taga-balat ng patatas

-
Si Lina ay nahirang na food technologist sa isang kompanya ng food products. Ang kanyang puwesto ay maselan at teknikal na may kinalaman sa pag-eksamin at pagtikim ng mga produkto ng kompanya. Kaya siya’y nagtatrabaho sa isang laboratoryo na ang nakapapasok lang ay ’yung mga pinagkakatiwalaan ng kompanya.

Isang araw, nang siya’y bumisita sa isang kustomer ng kompanya na gamit ang sasakyan ng kompanya, pinakiusapan niya ang driver na ihatid muna siya sa lugar kung saan siya’y tumitingin ng matitirhan. Dahil bumabagyo noon nabagsakan ng poste ang sasakyan at ito’y nasira.

Sinabi ng driver sa imbestigasyon ang lahat ng pangyayari at naniwala naman ang management at hindi na dininig pa ang panig ni Lina. Magmula noon itinalaga ng kompanya sa vegetable section si Lina kung saan ang naging trabaho niya’y parang isang alila na lamang na nagbabalat ng sibuyas, patatas at iba pa.

Dahil dito hindi na siya nagreport sa trabaho at idinemanda niya ang kompanya ng constructive dismissal.

Ayon naman sa kompanya, hindi naman nila dinismis si Lina kundi inilipat lang ng puwesto dahil na rin sa hindi ipinaalam sa kanila na gagamitin niya ang sasakyan para sa personal na bagay. Nawalan na raw sila ng tiwala kay Lina. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Bagama’t karapatan ng kompanya na maglipat ng empleyado sa ibang puwesto, hindi dapat abusuhin ang karapatang ito. Kailangang maipakita ng kompanya na ito’y makatwiran at hindi maka-peperwisyo at maka-aabala sa empleyado. At ito’y hindi nagpapababa ng katayuan o ranggo ng empleyado.

Sa kasong ito ang pagkakalipat ng kompanya kay Lina mula food technologist patungo sa vegetable section ay parang paghamak at paghiya sa kanya. Ito’y isang constructive dismissal.

Kaya dapat ibalik ng kompanya si Lina, sa kanyang puwesto bilang food technologist at bayaran lahat ang backwages. (Blue Dairy Corp. et. al. vs. NLRC et. al. G.R. No. 129843 September 14, 1999)

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BLUE DAIRY CORP

DAHIL

ISANG

KAYA

KOMPANYA

LINA

SI LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with