^

PSN Opinyon

Lito Tamayo alias Amboy, bigat mo !

-
Nagsimula na noong February 28 ng gabi ang pangangalap ng pondo ng mga kandidato sa Cavite partikular na sa bayan ng Bacoor para sa May 14 elections. Ito ay sa pamamagitan ng mga itinayong bagong pasugalan kabilang na ang illegal bookies, video karera at ang kontrobersyal na sugal na jueteng sa may 74 barangay sa naturang bayan na sakop ng Region 4.

Batay sa mapagkakatiwalaang source ng OK KA BATA! mula sa Camp Vicente Lim, isang nagngangalang Lito Tamayo, alias Amboy ng Bgy. Sineguelasan, Bacoor at miyembro ng Mayor’s Task Force ang tumatayong pinaka-boss at nagbibigay ng permiso sa sinumang gambling lord na lihim na magtatayo ng anumang sugalan sa may 74 barangay sa nasabing bayan.

Ito rin daw ang namimili ng mapagkakatiwalaang kabo, kubrador na ang masakit pa nito ay pawang ama at anak na kabataang mag-aaral.

Samantalang isang nagngangalang Tata Jack na tauhan naman ng isang opisyal sa Camp Pantaleon Garcia ang may hawak naman sa isang Jess alias Kal-Kal ng Bgy. Alima, Bacoor at kolektor ng lingguhan mula sa iba’t ibang pasugalan at ipinapasok sa mga opisyal ng Camp Pantaleon Garcia na matatagpuan naman sa Imus, Cavite.

May naamoy din ang OK KA BATA! DILG Sec. Joey Lina na itong si Cavite Provincial Director Sr. Supt. Nestor Senares, ang sinasandalang pader ni Lito Tamayo. Ito raw ang katiwala sa lahat ng koleksyon ng pasugalan kaya hindi matimbog. Mga anak kayo ng hinayupak, dapat sa inyo pakainin ng bolitas jueteng ng matauhan!

May katotohanan kaya itong kumakalat na balita na sa buong Bacoor daw ay itong si Lito Tamayo ang tumatayong cup bearer at pinagkakatiwalaan din ni Bacoor Mayor Jessie Castillo sa lahat ng transaksyon pagdating sa mga nakokolektang libu-libong pera mula sa pasugalan sa may 74 barangay. Gagamitin daw ito sa pangangampanya? Okay ka Mayor! Pagbutihin mo!

Alam ba ‘n’yo DILG Secretary Lina na ang ginagamit na kabo at kolektor ng isang bagong gambling lord na si ex-policeman Jerry Perez ng BF Resort, Las Piñas City sa Bacoor ay mga mag-aamang mula sa squatters ng iba’t ibang barangay dito. Ayon pa sa source, umaabot ang koleksyon ng P500,000 araw-araw sa loob lamang ng dalawang oras na pasugalan sa 74 na mahihirap na barangay. Tip of the iceberg pa lamang ito mga kabayan.

Sa isang malaking bahay sa kahabaan ng highway ng Bgy. Panapaan, harapan ng isang pribadong eskuwelahang Montessori at malapit na malapit sa bahay ng Bacoor Mayor ang bagsakan ng koleksyon mula sa iba’t ibang pasugalan sa 74 barangay sa nasabing bayan at ang pinagkakatiwalaan naman dito ay sina Pablito at Rick. May balita ang OK KA BATA! na marami raw nakapaligid na mga "reporter kalawakan" o hao-siao kaya takot ang ibang pulis na timbugin.

Kabilang din sa kumakalat na balita na pangunahing financier ng iba’t ibang sugal ay itong si Danny alias Itlog na yumaman na raw dahil sa illegal bookies sa nasabing bayan.

Abangan sa Biyernes ang modus operandi ng jueteng at illegal bookies ng gambling lord na si Boyet Garcia ng Dasmariñas. Ang ginagamit niyang kolektor ay pawang mga kabataang estudyante. Ano ba naman ‘yan Gen. Leandro Mendoza, kumilos naman kayo sa Cavite.

BACOOR

BACOOR MAYOR

BACOOR MAYOR JESSIE CASTILLO

BGY

BOYET GARCIA

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

LITO TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with